Chinito VIII

5.3K 61 11
                                    

---

Isa. Dalawa. Tatlo.

Ilang oras na nga ba akong naghihintay kay Chinito dito sa open field? Nagtext siya kanina na on the way na daw siya papunta dito sa school pero bakit hanggang ngayon wala pa din siya? Kinakabahan ako at nag-aalala na. Ilang beses ko na din siyang sinubukan na tawagan pero nakapatay ang phone niya. Nagtanong na din ako kina Jorell pero wala din silang idea. Nakakainis! Makakatikim talaga ng mag-asawang batok ang singkit na 'yon kapag dumating siya.

Haay.

"Himala! Hindi mo kasama ang Chinito mo." gulat na napalingon ako sa lalaking naupo sa tabi ko. Nangunot ang noo ko nang mapagsino siya. Mula sa 5:5 na buhok niya, sa weird pero cute  na kilay niya, sa singkit na mga mata, maninipis na labi..

Yuan.

"Matunaw naman ako niyan." nakangisi niyang sabi habang inaayos ang buhok niya na nililipad ng hangin.

"Why so pretty?" parang tangang natanong ko sa kanya.

"Huh?" waring nahiya naman siya. He covered his face pero kita ko pa din ang pamumula niya.

"Hala, naconcious? Hahahaha. 'Wag mong takpan. Ang ganda ng view ko dito eh." natatawang hinawi ko ang mga kamay niyang nakaharang sa mukha niya.

"Tss. Sira!" hindi ko malaman kung natatawa ba o naaasar na napakamot na lang siya sa kilay niya. Ang cute.

"Hahahaha. Di nga, seryoso.. bakit ang ganda mo?"

"What a term ah! Pwede namang handsome!"

"Ano ka? Ano bang tagalog sa handsome? Di ba magandang lalaki?"

"Yeah right."

"Pasalamat ka depress ako at madilim noong una nating pagkikita kaya hindi ko masyadong nakita ang kagandahan mo kundi... Naku.. Hahahahaha"

"Landi nito. 'Pag nalaman ng Chinito mo ang mga pinagsasasabi mo ngayon baka i-break ka non."

"Nyek! Hindi din.. Alam naman niya na na weakness ko ang mga singkit. Saka siya lang ang nag-iisang Chinito sa buhay ko no!"

"Eh s'ya ba.. Ikaw lang ang nag-iisang babae sa puso niya?" Hindi ko alam pero biglang nabura ang ngito ko sa sinabi niya. Pero nang makita ko ang nanunukso niyang tingin ay agad din naman akong napangiti bago ko siya mahinang hinampas sa braso.

"Buang ka! Parang hindi mo naman alam ang pinagdaanan namin!"

"Naks! Pinagdaanan talaga? Konting misunderstanding lang naman ang nangyari sa inyo eh.."

"Kahit na.. Considered as pagsubok na din 'yon no! Teka.. nakapagpasalamat na ba ako sa'yo?"

"Oo.. noong bago kita iwanan sa park."

"Aishh. Hindi 'yon.. Ay! Hindi na nga pala ulit tayo nagkausap after naming magkaayos ni Marky. Tapos nagkita man--"

"Nagkita man pero dineadma mo lang naman ako. Tss."

"Sorry naman.. Hindi agad kita namukhaan eh! Sana nagpakilala ka, hindi 'yung nang-asar ka pa.."

"Sus! 'Tong mukhang 'to? Hindi mo natandaan? Kalokohan! Eh kulang nalang umagos ang laway mo nung nasa park tayo nang makita mo ang kagwapuhan ko!" Madrama pa niyang tinuro turo ang kanyang mukha.

"Kapal nama---" naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang phone ko. Kunot noong binasa ko ang message ni Marky. I sighed before ako magreply.  Nagt-type pa ako ng magsalita si Yuan.

"Hulaan ko.. That's Marky and he can't make it."

"Pakialam ko sa hula mo!" mataray na sagot ko sa kanya habang nagtetext pa din.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon