---
BLAG!
“Y-Yen!”
Nanlalaki ang mga matang hindi ko malaman ang gagawin ko. Pupunta ba ako sa kanan o kaliwa? Naguguluhang napapaypay na lang ako sa sarili ko. Pero nang tuluyan ko ng madigest ang nakita ko ay naluluhang gusto kong sumigaw kung hindi lamang may malambot na kamay ang tumakip sa bibig ko.
“Hmmmmm— Asdfghjkllkjhgfdsa—“
“What the f*ck babe?!” mahina at may pagbabantang tanong niya sa’kin. Hindi pa din inaalis ang takip sa bibig ko na dinampot niya ‘yung box ng cake na nabitiwan ko kanina at kinaladkad niya ako. Nagpupumiglas ako pero anlakas niya. Saka lang niya ako binitiwan nang makapasok na kami sa unit no. 1066.
“Ang bad mo! Bakit mo ako kinaladkad? Kaya ko namang maglakad ng maayos eh!” Naiinis na ginalaw galaw ko pa ang bunganga/panga ko dahil sa higpit ng pagkakatakip ni Chinito kanina.
“Ewan ko sa’yo. Nakakahiya ka. Ano’ng ginagawa mo dito? Saka bakit namboboso ka sa unit 1069 ka?”
“Hindi ako namboboso! Akala ko kasi 1069 ang number ng unit mo.”
“ Tell that to the marines. “ nakataas ang sulok ng labi na sabi niya sa’kin. Animo’y hindi naniniwala sa sinasabi ko.
“Promise! Mamatay man! Akala ko talaga ay doon ang unit mo!”
“Fine. Pero paki-explain nga kung bakit halos maubusan ka na ng hangin sa paghehesterya doon. What did you see?”
“Kuh.. Kunwari pa ang mama. Gustong makichismis.” Buska ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin pero lalo ko namang pinag-igi ang pang-aasar sa kanya.
“Oh madlang pips gusto niyo ba ng chismis? Wooooooooooooohhh! Chismis! Chismis! Chismis! HAHAHAHA”
“Funny. Ano nga?”parang nauubusan ng pasensya na pinagcross pa niya ang kanyang mga braso. Wew! Ang hawt!
“Sabihin mo muna gusto mo ng chismis.”
“Tss. Nevermind.” Sumusukong tinalikuran niya ako bago siya dumeretso sa may dining area para ilagay sa lamesa ang cake. Nakatawa namang sumunod ako sa kanya bago ko siya sinundot sa tagiliran.
“Chismis? Gusto mo ng chismis?” Panay pa din ang sundot ko sa tagiliran niya. "Ano? Chismis? Gusto mo?" Susundutin ko sana ulit siya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sa isang iglap ay yakap na niya ako mula sa likuran.
“Chikinini? Gusto mo ng chikinini?” Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa bandang leeg ko.
“Babe?” napaigtad ako nang maramdaman ko na marahan niyang kinagat ang tenga ko.
“I-Ikaw naman Chinito! Chismis? Libre ko ng ikukuwento sa’yo! He-he-he.” Kinakabahang sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya at ang marahan niyang pagtawa.
“Good girl.” Tuluyan na niya akong binitawan at kumuha siya ng dalawang platito at tinidor. Samantalang ako naman ay naiinis dahil naisahan ako ng singkit na ‘to.
“So… Ano’ng chismis nga ‘yun babe?” Nang-aasar pa din na tiningnan niya ako. Nang maalala ko naman ‘yung nakita ko ay parang walang nangyari na napatili ako ng wagas.
“KYAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! It’s true. It’s true! My daragon heart is alive again. Waaaaaahhhh!”
“Wait—wait! Dragon? Alive again? What’s that?”
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...