MARKY's POV
---After a week ay tuluyang nawala sa mga balita ang nangyaring aksidente sa magulang ko. Hindi ko masabi kung talagang naniwala ang media sa statement ni Tita Sunny o nabayaran sila para huwag nang ungkatin ang nangyari. Nakapagtataka din at biglang may malaking eskandalo ang kumalat tungkol sa isang A list actor ng Korea. Tanging tungkol lang don ang umiikot sa mga balita nitong mga nakaraang araw. Since medyo alam ko na din ang kalakaran sa entertainment industry malaki ang himanta ko na may isang malaking issue ang pinagtatakpan ng naturang scandal. Ginagawa lang nilang front ang nasabing scandal para matabunan ang isang malaking issue sa lipunan. Maaaring sangkot ang gobyerno o isang makapangyarihan tao. At malakas ang kutob ko na may kinalaman si Tita Sunny dito.
And speaking of the devil.. Tumatawag siya ngayon. Kinalma ko muna ang sarili ko bago sagutin ang tawag niya.
"Tita.."
"Hello din pamangkin.." Sarcastic niyang bati.
"What do you need?"
"I want you to enter show business. I recommended you sa isang sikat na modelling agency. Lalabas ka sa mga commercials and print ads tapos madalas ka ding rarampa sa mga fashion shows. After six months ay may ibibigay sila sa'yong supporting role sa isang drama kasama ang mga sikat na actors. Hindi ko alam kung paano mo gagawin para magkaroon ka ng pangalan. At wala akong pakialam kung magaling kang umarte o mukha kang tuod habang naikipagbatuhan ng linya sa mga co-actors mo. Basta ang gusto ko ay makilala ka. And don't worry dahil walang makakaalam na anak ka ni Adrienne Lee, sa ngayon. Baka makaadvantage pa 'yun para mapadali ang pagsikat mo and obviously I don't want that to happen."
"Why are you doing this? Anong mapapala mo dito?" Malamig na tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan. Hindi ko makuha kung bakit ginagawa niya ito. Gusto niya akong pumasok sa entertainment industry at inirekomenda pa niya ako sa isang kilalang agency. Gusto niya akong sumikat pero hindi kaagad. Is this a fvcking joke?!
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomansMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...