Chinito XXXVI

231 3 0
                                    

----

"It is a joke, right? You're just pulling a prank para paluwasin ako ngayon di ba? Magkano pinusta mo dito? Kayo talaga.." Pilit akong tumawa pero nanginginig ang katawan ko sa kaba. Hindi pa din kasi niya masabi sabi kung ano ang dahilan ng pagtawag ni David.

Hindi siya umimik. Seryoso lang siyang nagd-drive. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela habang mabilis ang takbo ng kotse niya.

"Naks naman! Ang galing mong umarte. Nakakatakot ang pagiging seryoso mo, eh. Sino'ng pasimuno nito? Kukutusan ko kung sino man ay may pakana neto. Naku.. "

"Yen.. Si Hayi.."

"Akalain mo nga naman siya pa ang nakaisip neto! Akala ko si Hoonie o kaya si Clone.."

"Yen, mali ang intindi mo. We're not pulling a prank. Walang pustahan. Walang katuwaan. We're going back because of Hayi." Napawi ang ngisi ko sa sinabi niya.

"What about her? May nangyari ba?" Binundol na naman ako ng kaba.

"David's actually with her right now. Nandon din sina Clone and they're trying to convince her to cooperate para makalaya siya."

"What!? Anong makalaya? Sinong nakulong? Si Hayi? Anong nangyari?"

Huminga muna ng malalim si Yuan bago ako sagutin. "Nakakulong si Hayi ngayon. Actually pinakulong niya ang sarili niya."

"What?! Bakit naman niya gagawin 'yun?"

"Dandreb is in a critical condition right now. May limang tama siya ng bala ng baril. Isa doon ay tumama malapit sa puso niya."

"Oh my God! Seriously?! Pero anong kinalaman ni Hayi doon? Don't fvcking tell me that she did that kasi kahit gaano pa nakakatakot ang aura ni Hayi alam kong hindi niya magagawa 'yon. Saka alam kong alam mo din.. Ramdam mo din na may feelings sila sa isa't isa. Kaya paanong---no. Hayi's innocent.. She can't kill anyone. She can't do that."

"Siya mismo ang sumuko sa mga pulis. Inamin niya ang lahat. Siya ang gumawa non kay---"

"No!! Naniniwala ka na binaril niya si Dan?" Naiiritang sigaw ko sa kanya.

"To be honest, naguguluhan ako. I know na hindi niya magagawa 'yon. We're not that close pero hindi ako bulag at manhid para hindi mapansin na mahal niya ang kaibigan ko. Pero bakit niya tinuturo ang sarili niya? Sabi ni David, she kept on telling them na kasalanan niya ang lahat. Na pinatay niya si Dan. Sana magising na si Tito Carlos para malaman natin ang totoo."

"Tito Carlos? Dandreb's dad?"

"Yeah, nandon din daw siya sa crime scene. May tama din ng baril."

"Ha? Anong ginagawa niya don?"

"They still don't know. And that's one thing we need to find out. Ayaw naman makicooperate ni Hayi. Hindi siya makausap ng matino."

"Aisshh!" balisang nasapo ko na lang ang ulo ko.

Hindi na ulit kami nag-imikang dalawa. Parehong nag-iisip at naguguluhan sa mga nangyayari. Mabilis akong bumaba kahit hindi pa maayos na naipapark ni Yuan ang kotse niya. Nang makapasok ako sa loob ng police station ay nakita ko kaagad sina Madison, Clone at David na nakaupo sa isang mahabang bangko na may kalayuan sa selda. May isang babae ding nakaupo habang nakasandal sa pader. Hindi ko masyadong maaninag ang itsura dahil sa hindi na maayos ang pagkakapusod ang mga buhok nito na halos matakpan na ang mukha.

"Where's Hayi? Nakausap niyo na ba?" Agad kong tanong nang tuluyang makalapit sa kanila.

"Nariyan sa loob ng kulungan. Ayaw ngang makipag-usap. Nakakainis na nga eh! Aba. Paulit ulit na laang naming tinatanong. Nakakapagod ang sagot. Lahat ga naman ih "I killed him. Yes I killed that bastard." Tanungin mo kung nagugutom ang isasagot ay gay-on. Pinagpapalit ko ng damit pero ayaw. Masisiraan na ako ng bait sa babae na 'yon! Kaya dine muna kami sa bangko para magpakalma. Baka hindi ko ga matantiya at masabunutan ko siya at maiuntog sa pader ng bumalik sa tamang huwisyo." halata ang frustration sa boses ni Madison. Mukha ngang kanina pa sila nakukunsumi sa katigasan ng ulo ni Hayi.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon