Chinito XLVI

371 5 4
                                    


---

"Oh bakit parang lantang gulay ang baby Yenny namin?" Clone asked after kissing my forehead. I didn't respond. Ni hindi ako kumilos para salubungin sila. Tulala lang ako habang kagat-kagat ang hinlalaki ko.

"Masyado ka bang napagod magfangirl sa Marky na 'yon?" Tanong naman ni Honnie na binigyan ako ng bear hug samantalang umupo naman si Dandreb sa harapan ko at nginitian ako ng bongga at ibinalandra ang malalim niyang dimple. He held my hands lightly. Masuyo niya akong tiningnan at tinanong din.

"What's the matter Yen?"

Malamyang ngiti at pag-iling lang ang sagot ko.

"Did he hurt you? Did he tell you something? C'mon Yen, spill it." Naiinis na pinukol ako ng tingin ni Clone.

Isang pagtikhim ang pumutol sa mga tanong nila.

"Ah, excuse me po. You don't really have to worry about Madame. She's fine."

"Oh? Eh bakit ganito itsura nito? Ano bang ginawa ni Marky dito?" Nagtatakang tinuro pa ako ni Clone.

"Actually, she wasn't able to see Mr. Lee Jaehyun."

"Ay 'yun! Kaya naman pala parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi nakasilay kay Chinito niya." Nang-aasar na pinitik ako sa noo ni Hoonie. Nakapout na hinawakan ko ang noo ko.

"Baby Yenny, your Chinito is a celebrity and a very popular one. Understood naman siguro na busy 'yung tao." Malumanay na sabi ni Dandreb.

"Saka first day pa lang naman ngayon. May bukas pa. Kung hindi pa din kayo nagkatagpo sa loob ng linggo na ito ewan ko na lang." Dugtong ni Clone.

"Pwera na lang kung alam ni Marky that you're here. Baka pinagtataguan ka na non. Ang saklap naman." Patuloy na pang-aasar ni Hoonie sa akin.

I ignored them. Wala sa loob na nginatngat ko na naman ang kuko ko sa kamay. Leshe kasi. Hindi ko pa din magets.

"Matilda.. What really happened? Hindi ako sanay na makitang ganyan 'yan, eh. Nakakakilabot ang katahimikan niya." Rinig kong tanong ni Hoonie.

"I'm not really sure, sir. But since we arrived from the audition she's been acting like that."

"Audition? Anong audition?" Gulat na tanong ni Clone.

"Commercial po para sa isang mobile brand. She was chosen to be partnered with Mr. Lee Jaehyun."

"What?!" Malakas at sabay sabay nilang sigaw. Napapikit ako kasi feeling ko nabingi ako. Mga bwisit talaga 'tong mga lalaking 'to. Istorbo sa pag-iisip ko. Asar na tiningnan ko sila pero bago ko pa man sila mabugahan ng apoy ay malakas na bumalya ang pinto.

"Hoy babae!" Napalingon ako sa mga bagong dating. Kunot noo si David habang si Madison ay mukhang -wait! Is she smiling? "Very good ka diyan, friend! I'm so proud of you! Palaban ka na talaga! Lahat ay susuungin at hahamakin muli lang makamtam ang pag-ibig na lumayo sa akin ang peg. Ay bongga 'yan! Sariling sikap! Maganda 'yan para mas mapadal-"

"Ah, Madison.. Masyado kang maingay. Pwedeng tumahimik ka muna? Pwede?" Iritableng saway ni Dandreb. Napanganga ako sa inasta niya. Kanina lang nakangiti 'to, ah. Anyare?

I looked at Madison when she didn't react violently. I mean, she's the kind of a person na ayaw na napagsasabihan. Lagi siyang may panabla pero himala ata at pagkamot lang ng ulo at pagpeace sign ang tangi niyang sagot. Iba ba kapag si Mr. Dimple na ang nanermon?

"At ikaw.." Baling sa akin ni Dandreb na may seryosong aura.

"Ha? A-anong ako?"

Sabay sabay na huminga ng malalim ang mga loko. Kagaling, chorus.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon