Chinito XV

2.3K 30 7
                                    

---

Simula ng araw na 'yun ay hindi ko na siya nakita. Nabalitaan ko na lang kina Jorell na nagdrop na siya. Gusto kong magtanong kung alam ba nito kung nasaan siya pero kinakain ako ng galit at pride.

Tinanong din nila ako kung anong nangyari. Kung bakit nawala siya. Pero parang walang narinig na patuloy lang ako sa aking ginagawa. May mga issue pa ngang kumalat. Pero wala akong pakialam. Bahala sila sa kung ano man ang gusto nilang isipin. Isa lang ang totoo. Isa lang hindi kathang isip.

He's gone.

'Yun naman ang gusto ko. 'Yun ang pinagdukdukan ko sa kanya. Kaya wala akong karapatang mamiss siya. Wala akong karapatang hanapin siya. Wala akong karapatang masaktan kung umalis siya dahil ito ang hiniling ko. Ito ang pinamukha ko sa kanya. Galit pa din ako sa kanya. Galit pa din ako sa ginawa niya. Mahal ko pa din siya, oo. Hindi naman 'yun isang bagay na madaling mabubura sa isang iglap pero nangingibabaw ang galit, ang pakiramdam na nadaya ka, ang pakiramdam na napagkaisahan ka.

"Huwag hayaang tuluyang lamunin ng pagkamuhi. Wala ibang maidudulot ito kundi sakit at pighati." Kunot noong inalis ko ang aking paningin sa kalawakan ng university at nilingon ang nagsalita. Lalong nangunot ang noo ko nang mapansing may kasama ito na busy sa pagkalikot ng isang gitara.

"What did you just say?" kunot noo pa ding tanong ko kay Madison. Binigyan naman niya ako ng isang alanganing ngiti bago itinaas ang librong hawak niya.

"H-Ha? Ah! Ano.. Aring pinababasa ni prof.. Napalakas pala ang pagbasa ko. Pagpasensyahan na.. Hindi ko alam. I mean.. It has nothing to do with you naman este.. a-ano.."

"Tss. Why don't you just tell her that you really mean it? That.. though you don't know the real story you want her to sort things out fairly. Hindi 'yung sariling feelings lang ang iniisip niya.." walang kaabog abog na sabi ni Hayi habang hindi pa din tumitingin sa'kin o kahit kay Madison basta kinakalikot lang niya ang gitarang hawak.

Teka.. Is she referring to me?

"Parang hindi yata maganda ang tabas ng dila natin, ah! Kung wala din naman kayong sasabihing maganda.. pwedeng pabayaan niyo na lang ako? Pwedeng umalis kayo dito?" naiiritang tinalikuran ko sila at binalik ang attention sa pagtanaw sa open field.

"Uhh- Yen.. Hindi naman kasi ganon 'yun eh.." alanganin pa ding sagot ni Madison.

"Whatever. I want to be alone. Please, leave." Wala akong narinig na sagot. Tanging ang ilang pagkilos at paghakbang lang. Ang buong akala ko ay umalis na sila pero nagulat na lang ako nang umupo din sila sa kinauupuan ko. Napairap na lang ako sa kawalan dahil nakalimutan kong nuknukan nga pala sa pagiging pasaway ang dalawang ito. Hindi naman sila nagsasalita. Parehong nakatanaw lang din sa open field. Pero maya-maya lang ay parang hindi nakatiis si Madison.

"Every breaktime nandito ka lang. Nakatanaw sa mga taong nasa baba. Parang binabantayan mo ang bawat galaw nila. Parang ayaw mong may makawala sa paningin mo na kahit isang maliit na detalye sa mga ginagawa ng mga tao."

"W-what?"

"Marami kaming naririnig. Maraming haka-haka. Maraming sabi-sabi. Maaaring isa sa mga 'yun ang totoo, maaari din namang puro kwentong barbero laang lahat 'yun. Wala kaming pinapaniwalaan. Wala kaming kinikilingan. Pero ramdam ko, ramdam ni Hayi na nahihirapan at nasasaktan ka. Na nagpapakatatag ka. Na pinapakita mong matapang ka pero ang totoo.. wasak ka."

"Anong kalokohan ang sinasabi mo!? Hindi ko alam ang sinasabi mo!" hiyaw ko sa kanya. Malungkot lang siyang ngumiti at tumingala sa langit.

"I heard that your bestfriend passed away. I'm sorry about that.. and.. I also heard that you broke up with Marky because he kept your bestfriend's condition fr--"

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon