--
Mabilis akong pumasok sa loob ng ospital. Magtatanong pa lang sana ako kung saan ang room ni Mira nang makita ko ang humahangos na sina Marky. Hinawakan ako sa kamay ni Marky saka niya ako hinila sa katawan niya. Sinundan namin ang namumutlang si Yuan. Kinabahan ako sa reaksyon nila kaya nagtanong na ako.
"May nangyari? Si Mira?"
"Mira's mom called Yuan. Hindi pa daw nagigising si Mira. Dapat ganitong oras ay gising na siya eh. Nagpapanick ang mommy ni Mira." Nang makarating kami sa floor kung nasaan si Mira ay lalo akong kinabahan at nanghina nang makita si Tita na naghehesterikal sa tapat ng kwarto ng anak. Agad akong lumapit sa kanya.
"Tita.." agad niya akong niyakap at animo ay isang bata na nagsusumbong.
"Yen.. Ang bestfriend mo.. Ang anak ko.. I can't afford to lose her. Siya lang ang meron ako. H-Hindi ko kaya pag nawala siya."
"Tita hindi niya tayo iiwan.. malakas siya. I know her. Lalaban siya. Hindi siya bibitaw.. Mahal niya tayo kaya magtiwala tayo sa kanya.." Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga bagay na 'to pero dapat kaming magiging matatag para kay Mira.
Maya maya ay lumabas ang isang doktor. Pigil ang hininga na naghintay kami sa sasabihin niya. Pero isang iling lang ang naging sagot niya. Nanlalambot ang mga tuhod na hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman ko na lang ang pag-alalay ni Marky. Si Tita ay muntikan na ding matumba. Mabuti na lang mabilis siyang nasalo ng umiiyak ding si Yuan bago ito tuluyang mawalan ng malay.
"H-Hindi.. Hindi totoo 'yan doc.. Sinabi sa'yo ni Mira na biruin mo kami di ba? Doc di ba?"
Malungkot siyang umiling. "I'm sorry hija. Excuse me."
"N-No." Mabilis akong kumawala sa hawak ni Marky at nagmamadaling pumasok sa kwarto ni Mira. Isang taong nakahiga sa kama na may takip ng kumot ang bumungad sa'kin. Nanginginig ang mga kamay na tinanggal ko ang kumot sa bandang mukha ng tao. At isang payat at maputlang Mira ang nakita ko. Malayong malayo sa kikay na lagi kong kasama. Lalong bumuhos ang mga luha ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Mira naman eh! Gumising ka diyan! Bestfriend.. Nandito na ako oh.. Tayo na diyan.. Tama na ang joke time. Kawawa naman si Tita.. Mira.. Huwag namang ganito. Uy gumising ka na.. Isa!" Tinunghayan ko siya pero nanatili lang siyang nakapikit. Niinis na niyugyog ko ang katawan niya. "Mira naman! Bakit ang selfish mo?! Bakit ako lang ang walang alam!? Bakit hinayaan mong mag-isa ka lang lumaban? Di ba magkadugtong ang pusod natin? Dapat nandon ako sa mga panahong nahihirapan ka.. Dapat kasama mo ako sa bawat sakit pero bakit sinolo mo? Ang damot damot mo! Bakit mo inilayo ang sarili mo sa'kin? Mira.." Hinaplos ko ang humpak niyang pisngi. "S-sorry.. Sorry kung napakawala kong kwentang kaibigan. I'm your bestfriend pero bakit ni hindi ako nakaramdam na kailangan mo ako. Pinabayaan kitang lumayo. W-Wala akong ginawa para bumalik tayo sa dati. S-Sorry.. Sorry na.. Gumising ka na diyan oh.. Babawi tayo. Marami pa tayong pangarap di ba? Dali na! P-Please.. Mahal na mahal kita bestfriend.. Bangon na.." Lalo akong napahikbi ng hindi pa rin siya kumikilos. Nanatili siyang nakapikit. Iniwan na niya talaga kami.
"Mirrrraaaaa!" hesterikal na sigaw ko. Naramdaman kong may yumakap ng mahigpit sakin pero hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin. Umiyak lang ako umiyak habang nakalupasay sa sahig.
"A-Ang bestfriend ko. Wala na ang bestfriend ko. Bakit agad agad? Ni hindi pa kita nakausap.. B-Bakit?"
"B-Babe.. Maybe hanggang dito na lang talaga siya.."
"Fvck that! Kasalanan mo ito eh! I hate you! I fvcking hate you! If you've just told me earlier di sana nagkausap pa kami! Sana nasamahan ko siya! Pero pinagkaisahan ninyo ako!"
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...