---"Hey, stop sulking." Masuyong saad ni Yuan ng lingunin niya ako saglit habang nagd-drive siya. Wala ako sa mood magsalita. Masakit pa din ulo ko. Nakatitig lang ako sa dinadaan namin.
Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya pinatong ang kanang kamay niya sa ulo ko.
"I told you. Honnie was just exaggerating. Parang hindi mo naman siya kilala."
"Ayun na nga eh, kilala ko siya kaya alam kong 99% ng sinabi niya ay totoo. Yung 1% percent ay para dun sa pagiging exaggerated niya." Tamad kong sagot sa kanya.
"Okay, actually kami kami lang naman ang nakawitness sa pagkanta ninyo sa stage. Kasi as soon as pumalahaw kayo ng iyak ay mabilis na kaming kumilos para mapalabas ang mga tao sa loob ng bar. Muntik na nga kayong mavideohan, eh." Masama ang tingin na nilingon ko siya at dahan dahan akong nagdirty finger sa kanya. Tinapik niya ang kamay ko at yamot na napahilot sa tungki ng ilong niya. "Yen naman.. Aishh! Okay, ganito kasi ang nangyari.. Wala kaming idea that you were there last night. We just went there to support Hyukoh since malapit namin silang kaibigan. After ng set nina Hyuk napag-usapan namin na after 5-10 minutes ay lilipat kami doon sa bar ng kapatid ng girlfriend ng pinsan ng kaibigan namin. Then, all of the sudden may malalakas na palahaw kaming narinig. Nang lumingon kami sa likod, kayong tatlo ang nakita namin. At first akala namin nantitrip lang kayo kasi talagang agaw eksena, eh. Pero lumapit sa inyo si Kuya Quintin. Tapos pinalapit niya 'yung waiter na may dalang tubig so we decided na lumapit na din kasi parang something was off. Tapos nagulat kami kasi halatang lasing kayo at umiiyak kayo. As in iyak. Atungal. Palahaw. Kung anu-ano na din ang sinasabi ninyo. Clone asked Kuya Quintin kung pwedeng maiclose ng maaga ang bar, babayaran na lang namin ang dapat kikitain nila. Pumayag siyang magsara pero hindi na siya nagpabayad since kaibigan namin pala kayo. Ayun.." Pilit kong inaalala ang mga sinasabi ni Yuan pero wala talaga akong matandaan sa mga nangyari kagabi. Badtrip. I wish nant-trip lang si Yuan.
"Until now I have no idea kung ano bang nangyari sa inyo at naglasing kayo. We were really worried. Lalong lalo na kay Hayi. She was a mess. And I have this weird feeling na may mali sa kanya."
"Anong mali?"
"Honestly hindi ko din alam. Basta alam mo 'yung feeling na may mali sa paligid natin though kung titingnan mo naman ay parang okay naman ang lahat. Basta.. Magulo. Even Dandreb... We told him na ihatid si Hayi but he just smiled. He said that Hayi can handle herself."
"Wait, pero ang sabi ni Dandreb kanina hinatid daw nila si Hayi.."
"See? Pero ni hindi umalis sa loob ng bar si Dandreb kagabi ng lumabas si Hayi. Di ba ang weird?"
"Yeah, but maybe ayaw niya lang akong mag-aalala kaya sinabi niya 'yun."
"Siguro nga.. Ayun.. Tapos si Madison naman biglang nawala eh. Nagtext lang na nasa kanila na daw siya."
"Oh. Ganon? Okay.." Pumipintig pa din ang ulo ko. Kahit nagkwento na si Yuan ay nab-bother pa din ako lalong lalong na sa dalawang babaitang 'yun.
Nagsimula akong magtype sa phone ko para kumustahin at pagalitan ang dalawa. I closed my eyes after sending them my message. I wanna be relaxed. Mamaya kasi mai-stress na naman ako dahil kay Xerox. Hinihila na ako ng antok ng bigla namang magsalita si Yuan.
"Uhh--it's your last photoshoot. Then tomorrow start na ng enrollment. Gusto mong mag-unwind mamaya?"
"Ayoko. Saka ang aga pa para mag-enroll." Inaantok na sagot ko sa kanya. "Saka teka.. Di ba matanda ka sa akin? Bakit hindi ka pa graduate nga pala?"
"Alam mo nakakatuwa ka talaga." Sarcastic siyang tumawa sabay gigil na biglang hinila ang buhok ko.
"Ouch. Masakit naman!" Nawala antok ko sa hapdi ng anit ko. Bwisit na Yuan 'to. Hindi ako papayag na hindi makaganti kaya hindi ko lang basta hinila ang buhok niya. Sinabunutan ko siya talaga kahit nagmamakaawa na siya na bitiwan ko ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...