Chinito XXXVIII

264 6 1
                                    


---

"Marky, wait!"

Malakas kong sigaw bago pa siya tuluyang makalabas ng police station. Nilingon niya ako pero napailing siya kaagad at mabilis na humakbang palayo sa akin.

Hinarangan ako nina Yuan pero sinamaan ko sila ng tingin. "I'll just ask him something!" Nilampasan ko sila bago pa an sila makaangal.

"Marky ano ba?! Sandali lang!" Mas binilisan ko ang pagtakbo ng hindi na niya ako pinansin. Hinila ko ang braso niya paharap sa'kin nang maabutan ko siya.

"What?!" Iritadong tanong niya.

"What's really happening? Anong koneksyon mo kay Hayi? Who's Sunny?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Yen, pwede ba?! Hindi ito ang panahon para sa mga tanong mo na 'yan! I'm in a hurry kaya bumalik ka na sa loob kasi hindi ka nakakatulong!"

"Bakit kasi ayaw mong sagutin?! Ganito na lang ba talaga tayo?!" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

"Pucha. Mahal kita, alam mo 'yan. Para sa'yo din 'to! Pero hindi lang naman ito tungkol sa ating dalawa!"

"Eh ano nga?! What's going on?!"

"Tangina. Sige! Gusto mong malaman!? My family is involved here. My parents are in danger and I have to find that btch para mailigtas ko ang mga magulang ko! Naiintindihan mo ba?!"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Nandon din ang galit at desperasyon. I wanna tell him that they will be fine. That he can save his parents. Pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

"Since nasagot ko na ang tanong mo baka pwede na akong umalis kasi importante ang buhay ng mga magulang ko." Madiin niyang sabi bago ako tinalikuran.

"T-Tutulong ako. Tutulungan kita."

"Just go home." Malamig niyang utos habang nakatalikod pa din.

"No. Sasama ako!"

"Damn it. Just listen to me, Yen. Huwag matigas ang ulo!" At walang lingon-likod na lumulan na siya ng kotse niya.

"Sasama a-"

"Yen!!" Sigaw ni Madison. Nakalabas na sila ng station. Nagmamadaling lumapit ako sa kanila.

"We need to help him. Masyadong delikado kung siya lang ang pupunta dun!"

"What are you talking about?" Naguguluhang tanong ni Clone.

"Basta! Tara na sundan natin siya!" Naratarantang hinigit ko pa sa manggas ng damit si Yuan.

"Yen, calm down."

"Paano ako kakalma?! Nakalayo na siya tapos mag-isa pa siya! I need to help him."

"Yen, hayaan mo na muna si-"

"Aissh!" Mabilis kong hinablot sa kamay ni Yuan ang susi ng kotse niya at tumakbo. Ni hindi sila nakahuma dahil sa pagkabigla.

"Yen!" Sigaw nila ng makabawi mula sa pagkagulat. Hindi ko sila nilingon at agad na sumakay sa driver seat. Kinakalampag nina Clone ang bintana habang nagmamaniubra ako.

"Anong ginagawa mo?! Tigilan mo 'to! Baka mapaano ka!" Sigaw ni Yuan. Hindi sumasagot na pinatakbo ko na palayo sa kanila ang kotse. Nang masigurong sapat na ang layo ko sa kanila ay binababa ko ang bintana at sumigaw.

"Guys! I'm sorry!! But please understand. This is the only thing that I can do for him! I'll help him kahit ano pang mangyari!"

"Yen listen to us! Delikado 'yang gagawin mo and for sure Marky won't like it kung may mangyayari masama sa'yo! Kaya huwag ng matigas ang ulo! Bumalik ka na dito! Ang mga pulis ang mas makakatulong sa kanya!" Utos ni Clone habang unti unting lumalapit sa akin.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon