Chinito X

4.2K 43 4
                                    

---

Hindi ako halos makalunok habang nakatingin kay Marky na nasa harapan ko. Nasa dining kami ngayon, kasalo ang pamilya ko. Puro kalansing lang ng mga kubyertos ang maririnig. Pero hindi ko man lang makitaan ng kahit anong kaba si Marky. Geez! Nasa harap kami ng parents ko pero kalmado lang siya? Parang nagpipigil pa nga siya ng ngiti habang nakatingin sa'kin. 'Yung totoo? Anong meron? Naiinis na napataas ang sulok ang labi ko.

Ang malakas na pagtikhim ni Dad ang nagpabalik sa'kin sa huwisyo. Nagtatanong ang mga matang ibinaling ko sa kanya ang aking attention.

"So... You're the same guy na hinabol habol ni Yen nung mga bata pa kayo."

"Dad!" reklamo ko. Kelangan ba talagang ungkatin 'yun?

"Bakit? Nagtatanong lang ako.."

"Hindi ka nagtatanong.. Hmmp! Yeah! Siya nga 'yon."

"Young lady, let him answer himself. Right, hijo?"

"Yes Sir.."

"Tito Arc na lang, masyadong pormal kung Sir..."

"Ah--Yes Tito.. Ako nga po 'yun.. I'm Marky Lee. If I'm not mistaken Tito magkakilala po kayo ng parents ko.."

"Lee? Oh! You're Adreinne's son? No doubt na super goodlooking ka hijo.." sabat naman ni Mommy.

"Thank you po.." akala mo nahihiyang nginitian niya ng matamis ang nanay ko.

"Kumusta na sila? Maliliit pa kayo noong huli kaming magkita.."

"Nasa Korea po sila.. Doon po sila nakatira kasama ang bunso ko pong kapatid."

"Mag-isa ka lang dito sa Philippines? Hindi ba nakakalungkot 'yun? Lahat sila nasa Korea?"

"Actually nandito po 'yung sumunod sa'kin.. Pero sa mga lola ko siya nakatira tapos ako po sa may condo. Once in a while naman po ay bumibisita kami sa Korea kaya okay lang naman din po. Sina Dad na po kasi ang nagpapalakad nung business na naiwan ni Lolo kaya naiintindihan ko sila." Tumango-tango sina daddy.

 "Mabuti naman nagkasalubong ulit ang landas ninyo nitong si Yen." nakangiti din na puna ni Ate Aya. Masaya ako na medyo bumabalik na siya sa dati. Nagagawa na niyang makipag-usap ulit. "Ay! No doubt pala na hindi mo siya makilala. Mula noon hanggang ngayon nga pala manang pa din siya." patuyang dugtong niya. Pwede bang bawiin na masaya ako? Iba pa din ang tabas ng dila! Pero siyempre joke lang. Sanay na 'ko sa kanya. Kaya hindi ko na siniseryoso ang mga sinasabi niya.

"Would you believe na she actually didn't recognize me as Mackoy? She was stalking me, she was screaming just like any fangirl kapag nakikita 'yung crush nila and she was ditching her class para lang makasilay sa'kin but then ang nakikita at kilala niya ay si Marky Lee hindi si Mackoy."

"Aissshh! Do you really have to broadcast it in front of my family? Eh di kaw na ang habulin! 'Kala mo naman one sided lang ang meron kami.. Hmmmp!" inirapan ko siya. Natatawa namang sumingit si Dad.

"Opps! Opps! Bawal pikon dito.. Nagkukuwento lang si Marky.. Maganda nga 'yun nang malaman ang mga pinaggagawa mo.. And speaking of mga pinaggagawa mo.. I think hindi naging magandang impluwensiya ang pagkakagusto mo kay Marky.. Pinapabayaan mo ang studies mo.. Aba anak.. Hindi biro ang gastos sa pag-aaral mo.."

"But Dad! Kwentong barbero kasi 'yang si Marky.. Hindi ako nagdiditch no! Aminado pa akong nalalate ako dahil inaantay ko pa siyang lumampas pero after naman non pumapasok na ako sa class ko eh!" angal ko pa.

"Hindi daw.. Eh anong tawag mo don sa hindi kayo pumasok ni Mira tas nagstay lang kayo sa house niya?"

"Tse! Ibang istorya naman 'yun though dahil sa'yo kaya hindi ako pumasok.."

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon