Chinito XVII

2K 34 9
                                    


---

Pagod na ginala ko ang aking paningin sa airport. Hindi ko akalain na sa loob lang ng tatlong araw ay makakarating ako dito.

Isang iling at malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagpasyang lumabas na. Ang mainit na panahon, ang traffic, at ang polusyon kagaad ang sumalubong sa'kin pagkalabas ko ng airport. Oo, nasa Pilipinas na ulit ako. Ang dalawang linggo ay nauwi sa tatlong araw. At ang tatlong araw na 'yun ay dinaig pa ang dalawang linggo sa dami ng mga nangyari, mga nangyaring mas mabuti pang kalimutan.

"Aishh!" inis na sinukbit ko sa kanan kong balikat ang backpack na dala ko saka hinila ang may kalakihang travelling bag. Pero nagulat na lang ako ng may umagaw ng mga dala-dalahan ko.

"What the!" lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko habang pinapatay sa irap ang taong umagaw ng gamit ko. Mabagal lamang itong naglalakad. Walang takot na bambuhin ko siya ng kung ano mang madampot ko. Gigil na tinanggal ko ang sapatos ko sa kanang paa at handa ng ipukpok sa ulo ng mapangahas na magnanakaw nang bigla itong humarap sa'kin.

"Chill." Taas ang dalawang mga kamay habang may mapaglarong ngiti sa mga labi. Sa kabila ng sinabi niya ay walang pagdadalawang-isip na inihampas ko sa braso at ulo niya ang sapatos na hawak ko.

"Awts! Tama na Yen! Aw! Masakit! Peace na! Cease fire na! Aw! Suko na ako!" panay salag niya sa bawat hampas ko sa kanya. Wala akong pakialam sa mga nagtataka at gulat na tingin ng mga tao sa labas ng airport.

"At may gana ka pang ipakita ang kasuklam suklam mong pagmumukha?! Dapat diyan binubura!! Uhmp!"

"Y-Yen! Mashakit! Stapit na! Aw!"

"Kasalanan mo 'to eh! I hate you! I hate you! I should'nt have believed you! You broke my heart!" Alam ko sa sarili ko na hindi naman tungkol sa pangt-trip niya ang pinagpuputok ng butsi ko.

"Aw! I didn't break your heart! Arawts! Tama na! Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa mga-aw! - sa mga sinasabi at pananakit mo! Aruy!"

"Dapat hindi mo pinakita ang pagmumukha mo! Mapapatay talaga kita! I hate you! You broke my heart!" hinihingal na napaupo ako sa sahig. Namalayan ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko. Umupo din siya sa harapan ko at hinawi ang mga buhok na nakatabing sa mukha ko. Nang makuntento ay pinatong niya ang kanyang mga kamay sa balikat ko.

"Ge lang, cry. I'm sorry if I broke your heart kahit wala akong alam sa mga sinasabi mo.. Oo na inaamin ko na winasak ko ang puso mo. Dinurog ko into tiny pieces.. Walang tinira. Tss. Darn it. I hate myself." Narinig kong huminga sa ng malalim. "Seryoso na.. Alam mo namang hindi ako magaling mag-comfort kaya--" naputol ang mga sasabihin niya ng bigla ko siyang niyakap habang umiiyak pa din. "Y-Yen.."

"I'm just glad that I'm back. Na may kakilala akong nakita. Na nasa tamang mundo na ako.. Na you're here. Bakit kapag miserable ako lagi kang nandiyan? Thank you.. Thank you Yuan.."

"Nabuang na nga.. Kanina galit na galit sa'kin tapos ngayon may pa-thank you pa! Lupet!" bulong niya na alam kong sadya niyang pinaririnig sa'kin.

"I know.. Baliw na ako.. Basta masaya ako na nandito ka.. Hindi ko alam kung papaano na ako kung wala ka.." 

"Tss. Drama queen." naramdaman kong umiling siya at marahang tumawa.

"Call me drama queen, cry baby  or what ever pero I'm seriously glad that you're here."

"Oo na.. Paulit-ulit pa eh..  Get up. Agaw eksena na tayo." Inalalayan niya akong tumayo. Kinuha din niya ang backpack ko saka nakaakbay na naglakad kami palapit sa kotse niyang nakaparada mga ilang dipa ang layo sa'min.

Hindi kagad niya pinaandar ang kotse. Parang may hinahanap siya.

"Talikod ka." utos niya sa'kin.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon