Chinito XL

231 3 0
                                    

MARKY's POV
---

'Yun na nga ang naging simula ng aming muling pagkikita ni Yen. Though hindi agad naging kami, masaya pa din ako. Tama din naman kasi siya. We should take it slow. Ang mahalaga magkasama na ulit kami. Babawi ako sa kanya. I'll show her how much I Iove her. Magiging masaya at matatag ang relasyon namin.Walang makakasira sa amin.

'Yun ang akala ko.

Hindi lahat ng expectations natin ay nangyayari sa totoong buhay kasi I was slapped by the reality.

When Mira tried to ruin my relationship with Yen I wanted to wring her neck, really. I can't believe how selfish she was. And I hated her for hurting Yen. She betrayed her own bestfriend just because of her 'feelings' for me. But I accidentally found out that she was sick, that she was being a btch to her bestfriend to push her away. She thought that she was doing the right thing but I tried to convince her to tell Yen the truth cause she was being unfair pero masyado siyang matigas. She told me that she didn't want to see her bestfriend hurting. She didn't want to be a burden.

Sasabihin ko na sana kay Yen ang lahat pero pinagbantaan ako ni Yuan and Mira made me promise na wala akong sasabihin sa kaibigan niya. So, I didn't have a choice. I kept everything from her. Pero nandon ang takot. Nandon ang pagdadalawang isip. Ayaw kong maglihim kay Yen pero hindi ko din maatim na hindi pagbigyan ang hiling ni Mira lalo na't her condition was getting worse.

Pero ng minsang nawala si Yen ay hindi ko na napigilang itago ang lahat sa kanya. I told her about Mira's condition but it was too late because that same day, Mira passed away.

Nakita ko kung gaano siya nawasak. Nakita ko kung paano niya sisihin ang sarili niya. Nasaktan siya ng sobra lalo na at siya ang huling nakaalam. She hated herself for not being there for Mira. Feeling niya napakawalang kwenta niya.

Kinasusuklaman niya ako at naiintindihan ko siya. Hindi ko siya masisisi kaya I gave her space. Hinayaan ko munang maghilom kahit konti ang mga sugat sa puso niya. Masakit sa akin na everytime na makikita niya ako ay nagwawala siya sa galit. But after two months ay nagpakita ulit ako sa kanya. Tama na siguro ang panahon na ibinigay ko sa kanya. I asked her to give me another chance. But she was still mad. Hindi niya ako pinakinggan. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para patunayan ang sarili ko sa kanya. She wanted me out of her life. Pucha sobrang sakit.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon