Chinito XXIX

603 22 5
                                    

---

Lulugo-lugong nakasunod ako kay Yuan sa paglalakad pabalik kung nasaan sina David. Naramdaman niya siguro that I'm still feeling down dahil naiiling na humarap siya sa akin.

"Yen, don't overthink, okay? I'm fine and I expected this to happen. Smile na.. Baka isipin pa ng mga tao na binasted kita.. though ako ang brokenhearted dito." Parang lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Parang naiinis naman na pinameywangan niya ako at nakakunot ang noong itinagilid ang ulo niya. Waring nauubusan ng pasensya at hindi niya alam ang gagawin sa akin pero maya maya lamang ay nagulat ako ng bigla siyang magmake face. 'Yung itsura niya papasang pang-meme na siguradong magba-viral online.

"Uy! Mags-smile na 'yan. Ayan na.. Ayan na ngingiti na 'yan.. Achuchu amunding munding munding.." Hindi ko na napigilang mapangiti sa pinaggagagawa niya. Alam kong weird at may pagkajologs minsan si Yuan pero ito? Deym. Saludo talaga ako. What is image? Wala! Sira na..

"There. Eh 'di gumaan ang pakiramdam ko dahil sa smile mo." Nakangiti niyang sabi though hindi umabot sa kanyang mga mata. I wish may magawa ako para sumaya siya. I know that he's hurting pero eto siya, ako pa din ang iniisip.

"I'm sorry--"

"Shh. What are you saying? How many times do I have to tell you that it's not your fault, huh?"

"Ihhh.."

"Tss. Yen naman! Wala ka namang kinalaman dito.. Umayos ka nga! Huwag ka ng mag-isip ng mag-isip diyan! I'm okay, really."

"Ihhh.." Niyakap ko siya. 'Yun lang ang magagawa ko para sa kanya, eh. "Yuan, you know naman na I will always be here for you di ba? I'm your friend and I love you.."

"I know Yen, I know." Bulong niya habang gumaganti sa mahigpit kong yakap. Nanatili lang kaming ganon. Sana lang talaga kahit sa yakap makatulong ako sa kanya.

Sunod sunod na tikhim ang nagpabitiw sa aming hug ni Yuan.

"Kanina pa kami nahihilo kakahanap sa inyo. Nandito lang pala kayo at busy sa pagyayakapan!" Ngising aso na sabi ni Binn.

Puro nanunukso at mga nakangising mukha ang nasa harapan namin ngayon. Tss. Magkakapareho talaga ang utak ng mga ito at nina Kuya Topher. Mga malilisyoso.

"Oh? Bakit tinigil ninyo ang pagpi-PDA? Yakapan pa more! Nahiya pa kayo. Hahahaha." Maingay na buska ni Hoonie. Mukhang may tama na.

"Tse. Itikom mo ang bibig mo at umuwi ka na. Lasing ka na! Dito ka pa magkakalat!" Nakairap na sagot ko sa kanya.

"Aisssh! Lasing? Ako? Joke ba 'yun? Haha. Sige sige papatunayan kong hindi ako lasing.." Itinaas niya ang kanan niyang kamay. "Tanungin mo ako kung ano 'to?" Dinedma ko lang siya. "Yenny naman ang KJ mo, alam mo 'yun? Aissh!" Binatukan ko lang siya. Pero mahina lang naman. Sinamaan ko ng tingin silang lahat nang mukhang hihirit na naman ng kalokohan at pilit hinihila si Yuan palayo.

"Yuan sisipain talaga kita kapag hindi ka sumama sa'kin. Naiimbyerna na ako sa mga lalaking 'to tapos dadagdag ka pa!"

"Hala ka. Nibadtrip ata natin si Yenny baby. Niistorbo ba naman natin ang matamis nilang pagyayakapan ni Pareng Yuan. Hahaha." Hirit pa ni Don na sinagot ko lang ulit ng irap. Hihilahin ko na sana si Yuan sa loob ng magsalit si June.

"Nagwalk-out tuloy si Mr. Kpop-slash-Chinito-slash-Mr.Mowdel-slash-MukhangbittersailoveyouniYenkayYuan. Kaboom! Sumabog ang natitirang katiting na pag-asa! Kahit naman siguro sino walang laban sa dating ng ating si Nammie boy!"

Natigilan ako sa pakikipaghilahan sa damit ni Yuan.

"Serves him right, dude. Kulang pa nga 'yun. Kung hindi nga lang malaking gulo at eskandalo, kanina ko pa pinatikim ng uppercut at hook 'yun." Maangas na sabi naman ni David.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon