Chinito XI

3.8K 45 18
                                    

---

“Yenny! Knock knock sis!” sigaw ni Ate Aya mula sa labas ng aking kwarto. Mariing napapikit ako habang nagtatalukbong. Five minutes na lang please. Pain-in lang.

"Knock! Knock!" katok ulit niya.

Ugh!

Ano na naman kayang kailangang neto? Simula nang dumating siya ay lagi niya akong binubulahaw. Ang mga parents ko naman ay umalis na ulit. May business conference silang dadaluhan sa Italy. Gusto ko nga sanang sabihin sa kanila na isama nila ang kapatid ko pero mukhang hindi magandang idea na isama siya ng mga ito. Minsan nga gusto ko ng kabahan kapag tinawag niya ako. Aba.. Eh kung saan saan niya kasi akong kinakaladkad. So dahil mabait at mapagmahal akong kapatid ay tango na lang ako ng tango sa mga gusto niyang gawin.

"Yenny! C'mon! Tanghali na oh.. Wake up sleepy head!"

Ang kulit! Five minutes lang naman ang gusto ko eh..

"Yenny!"

Napipilitang bumangon ako saka siya pinagbuksan ng pinto.

"Oh?" bungad ko sa kanya.

"Umagang umaga ang sungit." Nagpout pa siya bago pumasok sa loob ng kwarto ko at dumeretso sa closet ko. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Anong pakulo na naman kaya neto? Nagising ang diwa ko nang makitang pinag-aalis niya ang mga damit ko don.

"Hey! Ate! What are you doing?" manghang tanong ko sa kanya. Hindi pa nakuntentong kinuha niya 'yung laundry basket ko saka doon nilagay 'yung mga damit ko na basta basta na lang niyang pinaghuhugot mula sa maayos na pagkakatiklop sa closet ko.

Kunot noong nilapitan ko siya at pinigilan sa ginagawa niya.

"What the hell are you doing? Gosh! Ginulo mo ang mga damit ko!" Hinablot ko mula sa kamay niya 'yung kakakuha lang na damit ko. Naiinis na tiningnan ko kung gaano niya ginulo ang mga gamit ko.

"Easy lang Yenny.. I'm just trying to help you.."

"Help? Tss. So, messing my closet is helping, huh? Gosh ate! Ano na naman ba to?" napatutop ako sa noo ko. Honestly, I have an idea what she's up to at sobra akong nayayamot, medyo nagpipigil pa ako neto.

"Yenny.. That.." sabay tingin niya sa'king suot na damit. "...is so yesterday! May boyfie ka na kaya dapat magsuot ka naman ng mga damit na napapanahon. Manang na manang ka eh! Kahit pa mahal ka ni Marky--"

"Stop. Ate naman! It's my life! Isusuot ko kung anong gusto kong suotin! Kahit pa bahag yan basta comfortable ako! Kahit ano gawin mo wag lang kung saan ako masaya.."

"Nakakadiri naman talaga ang mga damit mo eh! Saka hindi bagay sa'yo.. Ang arte arte mong magsalita pero kung makaporma ka naman ay very... ugh. Weird lang. Kaya kailangan mo ng overhaul!"

"Overhaul?! Ano ako sasakyan?!" Tinaasan lang niya ako ng isang kilay na nakadagdag ng inis ko.

Takte! Patience Yen.. Patience.. Ate mo 'yan..

Ilang beses akong napalunok at pilit na nagpapakahinahon. Isasantabi ko na sana ang inis na nararamdaman ko nang magsalita ulit si ate.

"Do you think proud ba talaga si Marky na kasama ka? I doubt it. Katulad din siya ng iba na mahalaga ang looks pagdating sa mga babae. Hindi ka ba naaasiwa na tinatawanan ka ng ibang tao dahil sa kamanangan mo?  Saka nakakahiya kaya na may kasamang daig pa ang nabuhay sa panahon ni kopong kopong! Pati ako nadadamay sa pinagtatawanan nila." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.

"Sino ba ang nagsabi sa'yo na ako ang kaladkarin mo sa bawat lakad mo?! Akala mo ba gusto kong samahan ka?! Hindi ko naman pinipilit sarili ko sa'yo ah! At ano ang pakialam ko kung ano ang iniisip ng ibang tao!? Buhay ko ito! Wala sila o ikaw na kahit anong karapatan para husgahan ako dahil lang sa paraan ng pananamit ko! Wala naman talaga akong pakialam eh! Pero ikaw na kapatid ko ang magdukdok sa'kin parang sobrang sakit naman ata! Respeto lang! Dahil ginalang naman kita sa mga nangyari sa'yo! Nirespeto ko na mas pinili mong iwanan ako ditong mag-isa dahil naiintindihan kita ate! Pero ibigay mo din naman sana sa akin kahit konte yung respetong hindi ko makuha sa iba!" Nanlalaki ang mga matang napatitig sa'kin. Parang maiiyak na napatungo siya bago nagsalita.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon