Chinito XXXIX

196 4 0
                                    

MARKY's POV
---

Naririnig ko ang bawat yabag, ang nagmamadaling paggulong ng mga stretchers, ang palahaw ng ilang mga pasyente, kahit ang mga bulong at mahihinang usapan ng mga nurses, doctors at kamag-anakan ng mga pasyente. Pero heto ako, sa kabila ng ingay at mabilis na pagtakbo ng mga sandali ay nananatili akong nakaubob sa aking mga tuhod habang nakasalampak sa sahig. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid dahil isa lang naman ang inaabangan ko.

I'm aware that my body is shaking but I don't even try to calm myself. I just let myself to feel the pain 'cause I deserve it.

This is all my fault. I should've stayed away from her. Kung hindi sana ako naging kumpiyansiya na hindi magagalaw ng babaeng 'yun si Yen eh di sana naiwasan na mapahamak siya.

"Hijo.." malumanay na pukaw ng mommy ni Yen. There's no trace of anger in her soothing voice. She's not blaming me for what happened. Instead of relief, lalong nadagdagan ang guilt at galit ko sa sarili ko. I don't deserve her kindness.

"Marky, hijo.." Hindi ko magawang iangat ang ulo ko para maharap ang magulang niya. I can't face everyone especially her family. Alam kong kabastusan pero hindi ko talaga kaya.

Naramdaman ko ang pagkayakap niya sa akin at ang marahan niyang paghaplos sa ulo ko. Hindi ko na napigilang mapahikbi. Tuluyan ko ng pinakawalan ang emosyong pilit kong pinipigilan. Wala na akong pakialam kung may nakakarinig man at nakakakita sa sitwasyon ko ngayon. Para akong batang naapi.

"Shh. Shh. It's okay, Marky. Don't blame yourself. Walang may gusto nito. Hindi mo ginustong mangyari ito."

"S-Sorry po. I-I'm really sorry, tita. Kasalanan ko naman po talaga. Ako ang nagdala sa kan-"

"Don't say that, Marky. She'll get mad if maririnig niyang nagsasalita ka ng ganyan. Everyone knows that she's really stubborn. Once na nasundot na ang kanyang curiousity or may mga bagay na hindi niya nahahanapan ng sagot hindi siya titigil hangga't hindi nasasagot ito. She just wanted to help you.. Akala niya makakatulong siya para mabawasan 'yung burden na dala dala mo. Hindi ako sang-ayon sa ginawa niya pero hindi ko naman siya masisisi. Mahal na mahal ka ng anak ko."

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na lang na yakapin niya ako habang nagsisimulang maglakbay ang aking isipan...

"Jorell, read it again.." Kunot noong utos ko sa kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa locker area. Napuno na naman kasi ng mga sulat ang locker ko kaya ayun napagdiskitahan na naman ako ng mga kumag.

"Dear My Chinito, di mo man ako mapansin okay lang. I know I don't exist in your world but that's just fine--"

"What's her name?" Putol ko kay Jorell.

"Ha? Ang labo mo naman, pre! Sabi mo basahin ko tas puputulin mo ang madamdamin kong pagbabasa! Sana pangalan na kaagad ng sender ang tinanong mo." Masama ko lang siyang tiningnan.

"Tsk. Sabi ko nga, eh. Ah, teka... Nasan na nga ba 'yun? Here.. Uh-- Yenalisha Umandap..."

"Hanep pre! Kailan ka pa naging interesado sa mga tangahanga mo?" Natatawang tanong ni Damian.

"Mukhang may masama kang balakin sa isang 'yan, ah. Ipapasalvage na ba?" Joseff asked while pointing at the piece of paper on Jorell hands.

Inagaw ko mula sa pagkakahawak niya ang sulat at ilang beses pang pinaulit ulit basahin ang nakasulat.

Yenalisha Umandap.

I smirked.

"Look for her. I need to see her tomorrow morning." Tinapik ko sa balikat si Jorell bago ako nagsimula ng maglakad paalis. Nakipag high five naman ako kina Damian at Joseff ng malampasan ko sila.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon