Chinito XXXV

279 5 0
                                    


---

"Yow."

Inalis ko ang pagkakatitig sa Taal Volcano na tanaw mula dito sa veranda kung saan ako prenteng nakaupo at nilingon ang bagong dating na si Yuan.

"Gotcha."

Napakunot noo ako nang makita ko siya. I tilted my head para mapagmasdan ko siyang mabuti.

Nakangising binaba niya ang camera habang nakatingin sa screen nito. He's pouting and nodding while scanning the pictures that he took.

"Burahin mo 'yan."

Humilig siya sa hamba ng pinto at binitiwan ang camerang nakasabit sa kanyang leeg. Parang wala siyang narinig na tumingin sa akin habang inaayos ang blonde niyang buhok na nagugulo dahil sa may kalakasang ihip ng hangin.

Napailing nalang ako dahil dinedma niya ang utos ko. Hayaan ko nalang. Hindi din naman siya mahilig magpost sa sns accounts niya kaya malabong may ibang makakakita sa picture ko na kinunan niya. Pinagdiskitahan ko nalang ang buhok niya.

"What happened to your hair?" Nakangiwing tanong ko.

"Ayos ba?" Ginulo gulo pa niya ang kanyang buhok na akala mo ay nasa isang commercial siya. Muntanga lang.

"Stop doing that."

"You don't like it?"

"It doesn't suit you. You look stupid."

"Aw. Tapal na tapal, ah! Now, I'm sad." Nakapout na sinapo pa niya ang dibdib niya.

"Tss. Until when are you going to sport that 5:5 hairstyle? Nagpakulay ka na nga lang din hindi mo pa pinabago 'yan. Hindi ka ba nagsasawa diyan? Kasi ako umay na umay na. Tapos blonde pa.. And where the freakin' hell are your eyebrows? error 404 not found. Mess."

"Aray ko!" Lalo siyang nagpout na akala mo ay naiiyak. Sapo sapo na naman ang dibdib at dahan dahang siyang lumuhod bago tuluyang nagcollapse sa sahig. "Ang tindi kung makalait. My eyebrows are still here. Sabi kasi nina Honnie mas okay kung id-dye pati ang kilay. Ikaw lang ang nega kung magreact. Ugh! Ang sakit! You didn't just murder my looks. You also killed my confidence." Madramang saad niya na akala mo ay naghihingalo.

Batuhin ko nga ng magazine na nasa coffee table.

"Get up, idiot."

"Nakakarami ka na, ah. Kung hindi lang kita kaibigan kanina pakitang hinagis sa bulkan."

"Whatever. Napakaisip bata. Para sabihin ko sa'yo ikaw ang sumira niyang itsura mo! Kung anu-ano kasing pag-i-experiment ang ginagawa."

"Fine. Ako na! Ako na nga!"

"Aissh. Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Ah, ako? Binibisita ko lang naman ang mansion ko dito sa lungsod ng Tagaytay. Ic-check ko na din ang boarder ko dito na halos isang linggo ng nagtatago mula sa maingay at magulong buhay sa kamaynilaan." Sarcastic niyang sagot habang pinapagpagan ang damit niya. Dinampot din jiya 'yung magazine na binato ko sa kanya.

"Tss. How many times do I have to tell you that I'm not hiding?!" Nakairap na bulyaw ko. Ibinalik ko ang aking attention sa Taal Volcano.

"Weh? Bakit ka asar?"

"Talk to my hand."

He clicked his tongue and sat beside me.

"Hanggang kailan mo buburuhin ang sarili mo dito?"

"Ay ang kulit! Sinabi ng-"

"Oo na! Oo na! Hindi na nagtatago kung hindi! Tss." Sumusukong saad niya. Hindi ako umimik. Nakaramdam ata na ayaw ko ng makipag-usap sa kanya kaya nanahimik na din siya. Pero makalipas ang limang minuto ay nagsalita ulit sia ng may maaalala.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon