---
Malakas pa din ang ulan nang makauwi ako sa bahay namin. Madilim na ang buong kabahayan. Malamang natutulog na sina Manang Helen. Nagmamadali na umakyat ako sa kwarto ko para makaligo dahil kanina pa ako nilalamig.
Pagkatapos maligo at makapagbihis ng kumportableng damit ay nahiga na ako sa kama. Ngunit isang oras na siguro ang dumaan ay ni hindi man lang ako dinalaw ng antok. Naiinis na umupo ako mula sa pagkakahiga at napatitig sa bag kong nabasa kanina. Tinatamad na kinuha ko ang bag at isa-isang nilabas ang mga gamit sa loob na hindi nakaligtas sa ulan. Naagaw ang attention ko ng pagb-blink ng isang bagay mula sa secret pocket ng bag ko. Bakit sa dinami dami ng makakaligtas mula sa pagkabasa ay ang cellphone ko pa ang sinuwerte. Sa totoo lang, ayoko munang isipin ang mga nangyari sa araw na ito. Mababaliw ako sa sobrang pag-iisip eh kaso pasaway naman eh. Hindi naman ako ganong ka-ipokrita para hindi amining sobra pa rin akong apektado sa kabila ng mga sinabi ni Yuan. Pabalik balik sa isip ko ang eksena na naabutan ko sa unit ni Marky.
Sumusukong kinuha ko ang cellphone at lalong nadagdagan ang bigat na naramdaman ko nang makita ko ang caller, si Mommy.
Obviously wala ang parents ko. Hindi naman tatawag ang nanay ko kung nasa kabilang kwarto lang sila. Ang balita ko ay nasa Macau sila ngayon dahil sa business matters. Ayaw kong magpakabitter dahil sa walang panahon sa'ming magkapatid ang aming mga magulang pero hindi maiwasan eh. Ganito naman lagi ang eksena, mapapelikula man o realidad. Sasabihin ng mga magulang na they're just doing this para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Pero bakit may kakilala naman ako na kahit sobrang busy sa company ang magulang nila ay may time pa rin sila sa mga anak nila. Hindi ko nga masisisi si ate Aya kung ginusto niya na sa Australia siya mag-aral at tumira. Kanya kanya kami sa pamilyang 'to. At isang way ng pasimpleng pagrerebelde ko ay hindi ako naglulustay ng pinaghirapang pera ng aking magulang para hindi nila masusumbat ang mga materyal na bagay na makikita nila mula sa'kin. Wala akong koleksyon ng mga nagmamahalang bag, sapatos, accessories at kung ano ano pa kaya nga manang ang tawag ng lahat sa'kin dahil mas ginusto kong mabuhay ng ganito.
Walang tigil pa din sa pag-b-blink ang phone ko kaya walang choice na sinagot ko na lang.
"Hello Mom."
"Finally! I just wanna check on you hija. Tumawag ako kanina kay Manang Helen and she told me na wala ka pa daw sa bahay. Nag-aalala kami ng Daddy mo. Saan ka ba nagpunta at gabing gabi na eh nasa labas ka pa?"
"May tinapos lang po akong project. Don't worry nasa bahay na ako. Tutulog na nga sana ako nang tumawag kayo."
"Mabuti naman. Sige, magpahinga ka na."
"Okay. Bye."
"Hija..."
"Po?"
"Miss you and we love you."
"Same here Mom. Bye."
Naiiyak na pinatay ko na ang linya. Honestly, I really missed my parents and ate Aya. May pagkamaldita man si ate ay alam kong mahal niya ako. Naguiguilty din naman ako sa way ng pakikitungo ko kina Mommy pero ewan ko ba.. Nakasanayan ko na rin siguro ang ganito. Nakakahiya naman na bigla na lang akong magpapakasweet.
Nagblink ulit ang phone ko. May nagtext pero unknown number.
From: 0923*******
Cry and then smile. :)
Huh? Sino naman 'to? Delete.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...