---Saktong ala siyete ay kinatok ako sa kwarto ni Ate Isay. Nandiyan na daw si Yuan. Kinuha ko lang ang purse ko at sinulyapan ng isa pang beses ang sarili ko sa salamin. Naka simpleng pink dress at flat shoes lang ako. Hindi naman daw kasi formal na formal na event 'yung party mamaya.
Stomach in.
Chest out.
Chin up.
Maarte akong bumababa ng hagdanan habang nakatingin kay Yuan. Kita ko ang paghanga niya sa aking taglay na ganda. Hahaha. Lalo kong pinag-igi ang maarteng pagbaba. Nasa huling tatlong baitang na ako nang sumala ang paa ko sa pagkakatapak. Mabuti na lamang ay mabilis akong nakahawak sa barandilya at hindi ako tuluyang nahulog.
Shit. Wa poise. Nakangiwing tiningnan ko siya. Nakatikom ang kaniyang mga bibig. Nagpipigil ngumiti. Ni hindi ko man lang siya makitaan ng pag-aalala.
Masama ang tingin na umayos ako ng tayo at naglakad palapit sa kanya. Mabuti na lang hindi ako nasuklo o nabalian.
"Pabiba pa more?" Pang-aalaska ni Yuan sabay akbay sa akin. "Kasi naman nag-iinarte pa sa paglalakad.. Ano ngayon ang napala mo? Muntikan ka pang malumpo."
"Heh! Ni hindi mo man lang ako dinaluhan! Anong klaseng kaibigan ka? Mas inuna mo pang tumawa at manermon! Tss."
"Kita ko naman kasing hindi ka napuruhan. Saka nakahawak ka naman kagad eh. Buti na lang kamo nakacycling shorts ka kundi baka kung ano pang nakita ko." Bigla akong namula sa sinabi niya. Pati ba naman 'yun kailangang sabihin. Leshe!
"N-Napaka mo talaga! Aisssh! Anyway, nasaan si hyung? Di ba dapat dalawa kayong susundo sa akin?"
"Ah! Ewan ko don. Tumawag lang na ako na lang sumundo sa'yo dahil may mahalaga lang daw na pupuntahan. Yaan mo na 'yun... Lagi na nga kayong magkasama, eh."
"Selos ka lang, eh."
"Yeah." Walang gatol na amin niya. "Hindi ko na nakakasama si Clone. Namimiss ko na ang gagong 'yun. Epal ka kasi.." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Hahaha. Ampanget mo. Stop frowning, sweetheart. I was just kidding. Andaya ninyo kasing dalawa. You know, ako 'yung bestfriend ni Clone. Tapos parang bestfriend na din kita.." Kinunutan ko siya ng noo. "Eh 'di hindi! Tss. Basta ako naman ang reason kung bakit mo nakilala 'yang OT11 tapos ngayon kayo na lagi ang magkasama at ako.. heto initsapwera ninyo na. Nawawala na ako sa eksena, eh. 'Wag ganon.."
"Heh! Tumigil ka nga diyan! Andrama mo! Para kang si Kuya Xerox. Naiinggit kay hyung dahil tinatawag ko daw na kuya. Hay ewan ko sa inyo.. Uso bang mag-inarte ngayon?"
"Mukha nga. Ikaw nga muntikan ng madisgrasya dahil sa pag-iinarte.." pang-aasar niya sa akin. Hampasin ko nga sa braso. "Aw! Bakit ka basta basta na lang nanghahampas?"
"Babakit ka pa diyan! Let's just go. Baka hindi lang hampas magawa ko kung hindi pa tayo aalis. Baka balian kita ng tadyang." Sabay hila ko sa kanya palabas ng bahay.
----
Marami na ang mga bisita sa mansion ng mga Garcia ng dumating kami. Akala ko ba hindi formal pero bakit parang mga kilalang tao sa lipunan ang naririto?
Nakakaconcious tuloy. Naramdaman ko ang pagpisil ni Yuan sa kamay ko. Nang nilingon ko siya ay nginitian niya ako na parang sinasabi na nasa tabi ko lang siya kaya wala ako dapat na ipag-aala. Nginitian ko siya pabalik.
"Whoa! Whoa! Whoa! Look who's here!" Maingay na sabi ni Kuya Sean. Nasa likod niya ang mga nakangising sina Kuya Topher at Kuya Dean. Nagbatian sila nina Yuan. Ako naman ay naghello lang.
"You know what guys? I smell something fishy." Nakangisi pa din na sabi ni Kuya Dean.
"Same here, dude. Actually hindi lang naaamoy.. Nakikita ko pa.." malokong sagot ni Kuya Topher. Napakunot noo naman ako sa sinasabi nila. Bumaling ako kay Yuan pero kibit balikat lang ang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...