Chinito XXVII

1K 24 3
                                    

----

I know it's unfair. But please, wait for me babe. Wait for me.

Did he really say that?

Ugh.

Bakit ka naman nai-stress ng ganito? Eh ano naman kung sinabi niya yun? Ano affected ka Yenalisha? Saka baka nantitrip lang ulit 'yun! Saka may girlfriend na 'yung tao kaya 'wag kang feeling! Hopia ka din eh!

Kagat labing napahilot ako sa sentido ko. Alam ninyo 'yung feeling na natanggap mo na sa sarili mo na wala na talaga, na hanggang don na lang. Tapos biglang sa isang pitik guguluhin na naman ang utak mo. Na kahit ayaw mong umasa pilit nagpapapansin si puso mo para tumibok ng mabilis dahil lang sa wait for me echos ng koreanong 'yun.

Waaaaaaahhhh.

Yenalisha.. Yung mga sinabi niya sa'yo bago ka umuwi ng Pinas, remember? Ayusin mo buhay mo bruha ka!! Huwag kang padala sa pababe babe niya. Okay, you still have feelings for him but ano 'yun ganon ganon na lang? Saka maawa ka naman sa sarili mo. Tama na.

Pero...

Something's wrong about him. He looked lost? I don't know pero kasi ang weird niya talaga. Parang someone is controlling him or something. 

"Hoy, girl!" Kulbit sa'kin ni Karly.

"Ha? A-ano 'yun? May sinasabi ka?" gulat na tanong ko sa kanya. Nakangiting inirapan niya ako sabay nguso sa may pintuan.

"Labas muna ako." malandi niyang paalam bago ako iniwan.

"Uh--yes?" Alanganing nginitian ko si Marky na nakatayo pa din sa may pintuan. Kanina lang siya ang laman ng magulo kong utak tapos bigla naman siyang susulpot. Ano 'to? Pananadya?

Tumikhim siya bago parang nahihiyang lumapit.

"For you." Kunot noong napatitig ako sa binibigay niya. Black chocolates! Yay, my favorite! "Peace offering."

"Peace offering?" Bakit? Hindi ba kami bati? "Magkaaway ba tayo? I mean, oo nga sabihin natin na hindi naman talaga tayo okay pero-- ehe- nevermind."

"Basta. Saka sabi mo nga, ang wirdo ko noong huling beses tayong nagkita kaya parang suhol na din 'yan. Mahirap na baka ibuko mo ako sa media." Biro niya sa akin.

"Asus! Kulang 'tong chocolates na 'to para mapagtakpan ang mga baho mo." ganting biro ko sa kanya habang tinatanggap ang mga chocolates.

"Ay, 'yun lang! Patay tayo diyan." Nakatawang napakamot siya sa kilay niya.

"De, joke lang. Ako pa ba? Kailan naman kita binagsak sa press? Kahit nga sinaktan mo na ako at ng mga fans mo hindi ko man lang naisip na magpa-exclusive interview sa korean press." Nang mapansin ko na nakakatitig lang siya sa akin ay alanganin akong napakagat labi. Damn me and my big mouth. Parang ang bitter ko ata sa sinabi ko, ah. Kailangan ko ba talagang ibalik 'yung nangyari sa Korea? Lupa lamunin mo ako.. now na! "Ah--ano-- ehe-Erase! Erase! Rewind! Rewind! Ang ibig kong sabihin kasi---"

"I'm sorry."

"Ha?"

"I'm really sorry for what I've done. You're right. Kulang na kulang na kulang ang mga chocolates na 'yan sa mga nagawa ko.. But believe it or not..." Nakalipas na ang ilang segundo pero hindi niya dinugtungan ang sinasabi niya, basta nakakatitig lang siya sa'kin.

"Believe it or not?"

"Believe it or not--Arrrg! This is so frustrating!" Lumingon siya sa may pintuan saka mabilis na lumapit sa akin. Napaatras ako sa gulat pero nahawakan kagad niya ako sa magkabilang balikat at pabulong na nagsalita. "I wish I could tell you everything right now. Just give me more time. Like what I've said, it's unfair but I'm asking you, no, I'm begging you to wait for me. Fvck! Ni hindi nga ako sure kung ako pa ba ang nandiyan sa puso mo but handa akong sumugal. I know I still owe you an explanation.. After this mess I'll answer all your questions. Basta.. Huwag ka munang magboyfriend ng iba! Yes, baliw na ako para hilingin ang bagay na 'to. Kaya lang.. Kaya lang.. Eto na lang, eh. Mahal---"

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon