HAPPY 2017!!! 🎉
---The next day I woke up with a big smile. Super excited ako sa araw na 'to kaya naman pakanta kanta pa akong bumangon at nag-ayos ng kama. I was expecting to see Madison lying on her bed but she's not there. Alas sais pa lang naman ng umaga at hindi morning person ang babaeng 'yun. Late na din kaming lahat natulog kagabi kaya nakakapagtaka na wala siya dito.
I decided to take a bath first then I'll just look for her later. For sure nasa tabi tabi lang ang babaeng 'yun. Saka hindi naman siya basta lalabas ng hotel ng mag-isa.
Agad akong nakarinig ng tawanan na nagmumula sa may dining area ng lumabas ako ng kwarto.
Aba. Bakit ang aaga gumising ng mga 'to? Uminom pa sila kagabi, ah. Hindi uso ang hangover? Ako lang ba ang tinatablan nun? Mga sunog baga talaga.
Parang hindi nila napansin ang presensya ko na tuloy tuloy lang sila sa kanilang usapan ng pumasok ako sa dining area. Kibit balikat na sumandal lang ako sa may counter at hindi ininda ang hindi nila pagbati sa'kin. Hindi ko sisirain ang araw na 'to ng dahil lang sa pandedeadma nila. Wala sa sariling napahagikgik pa ako ng maisip ko ang muli naming pagkikita ni Marky matapos ng ilang taon. I'm sure he'll be surprised.
Nagtataka na tumingin ako sa mga kaibigan ko ng mawala ang ingay nila. They're all staring at me. I'm just not sure kung anong gusto nilang ipahiwatig sa paraan ng pagtingin nila sa akin. Sisitahin ko sana sila pero napakunot ang noo ko ng mapansin na puro sila nakagayak na. Hello? It's only seven in the morning. Balak yata nila na sila na ang magbukas ng entertainment agency na may hawak kay Marky. Mas excited pa sa akin ang mga kumag.
"Kayo ha? Ang aga ninyo namang mag-ayos ni hindi pa nga ako emotionally prepared. Bahala kayong mag-antay sakin mamaya na makapagmeditate. Ayokong makakarinig ng reklamo." Nakangising biro ko sa kanila na sinagot nila ng pekeng ubo.
"Uhh--friend, I'm sorry pero David and I can't go with you. May mahalaga kasi kaming lalakarin sa Hongdae." Nag-aalangan na paalam ni Madison.
"What? Anong gagawin ninyo doon?" Taas kilay na tanong ko pa.
"I asked Madison for a favor. It has something to do with what we discussed yesterday sa airplane, remember?" Napatango ako ng maalala 'yung pagpapalipat ni David sakin ng upuan.
"Oh, okay.. Nandito pa naman sina Yuan eh." Nakangiting tiningnan ko pa sila.
"Yenny..." nagkakamot ng kilay na tawag sa akin ni Yuan.
"Don't tell me na hindi ka din pwede?"
"I really hate to say this but I can't go with you too. Malapit na ang anniversary ng hotel and grandpa wants me to personally take care of it. Gusto niya hands on ako sa pagp-prepare para sa event at alam mo namang minsan lang humiling si grandpa so..."
"Fine. Naiintindihan ko." Tiningnan ko sina Clone, Hoonie at Dandreb. "Kayo? Baka may lakad din kayo sabihin niyo kaagad para hindi na ako aasa na may makakasama ako mamaya." Napaubo silang tatlo at base sa mga mukha nila ay nagets ko na ang gusto nilang ipahiwatig.
"Oh. Nice." Wala sa loob na napaupo ako at napainom ng kape na nasa tapat ni Hoonie. At ang lintik na kape ay mukhang kakahango lamang kaya agad akong napabuga.
"Sht." Agad nila akong dinaluhan. Si Yuan ay mabilis nailayo sa akin ang mug. Si Clone ay may hawak na tissue at pinunasan ang bibig ko habang parang tangang pinapaypayan ni Hoonie ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Si Dandreb naman ay nag-aabot sa akin ng malamig na tubig at sa tabi niya ay si David na may hawak na basong may orange juice.
Si Madison? Ayun nakatutok sa amin ang phone niya. Siguradong magpopost na naman siya sa ig niya ng ikakahiya naming lahat.
Naiiritang hinawi ko ang mga damuho sa tabi ko at sininghalan sila kahit mahapdi ang dila ko. "Tigilan niyo nga ako! Hindi niyo ako madadala sha ganyan! Kainish!"
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...