Chinito XX

1.5K 35 8
                                    


---

"You heard me right.. He's Xerox. Kuya siya ni Clone but they're not twins. They just look so much alike to the point na malilito ka kung sino ang sino."

"Xerox and Clone?"

"Yeah, wag ka ng magtaka sa mga pangalan nila. Masyado na daw kasing mainstream ang Uno, Dos, Tres o kaya 'yung mga The Second, the Third.. Kaya ayun.. Clone. Xerox. Actually may kapatid pa silang isa.. Si Kuya Yuri aka Original. Weird but unique naman di ba?"

"Ah... Unique nga pero 'di ko feel.." ngiwi na sabi ko habang dina-digest pa din sa utak ko ang mga pangalan nila.

"Don't worry hindi ka nag-iisa sa feeling na 'yan. Sila mismo ay kating-kati na na palitan ang mga pangalan nila. Kaya kung ayaw mong magalusan ang katawan mo,don't ever dare to make fun of their names." babala niya sa'kin.

"Ah~okay. Close ka sa kanila?"

"Yeah."

"Eh bakit ayaw mong tumulong? Kawawa na siya oh!"

"Don't worry, he's okay."

"Okay?! Okay ba 'yan?!" Sabay turo ko ulit dun sa Xerox. Pero napakurap ako ng makita kong maluwang na nakangiti ito. Laglag ang panga na tumingin ako kay Yuan. Mayabang na ngumiti siya saken.

"See? Told yah.. You need not to worry about him. And those men are his friends."

"Friends? Bakit nila binubugbog kung kaibigan nila?"

"Eh hindi naman kasi nila sinasaktan 'yung tao katulad ng iniisip mo. Kuya Xerox is being an as5hole again and his friends are just doing what's right. Binabalik lang nila sa katinuan 'yang si Kuya Xerox. Normal na 'yan. Dalawang taon na siyang ganyan." Nadodoon ang awa at simpatya sa boses ni Yuan habang nakatingin sa kapatid ng bestfriend nito. I wanna ask him why pero parang masyado naman ng personal.

"Tutunganga ka na lang ba diyan? Baba na.. I'll introduce you to them. C'mon!" hindi ko namalayang bumaba na pala si Yuan. Busy kasi ako sa panonood kina Xerox.

Mabilis akong bumaba at sumunod kay Yuan. Tumigil sa pagkakagulo 'yung grupo ng mga lalake nang makita kami. Parang walang nangyari na mabilis na nagbatian ang mga ito. Maging si Xerox ay tuwang tuwang bumati kay Yuan. Nakangiti din na nilingon nila ako.

"Uy! Tsumitsiks ka na ulit Nammie?" tanong nung isang lalaking hanggang tenga ang buhok at may pagkablonde. Singkit at nawawala ang mga mata nito sa pagkakangiti.

"She's Yen, my friend."

"Friend? Masyado kang showbiz Nammie.." sagot nung lalaking may malalim na boses. He looks so hot kahit pa may pagkapormal ang suot nito kumpara sa mga kasama.

"Tigilan ninyo nga kami. Yen, eto nga pala sina Kuya Topher (lalaking malaki ang boses pero hot), Kuya Deano (yung may cute eye smile), Kuya Sean (gwapo din sana siya kaso parang panda, parang lagi itong puyat dahil sa mga eyebags) at Kuya Xerox.

"Hello po.." alanganin kong bati sa kanila. Nakangiti din silang bumati pabalik. Actually mukha naman silang nice, it's just that nakakaasiwang makatingin 'yung Xerox may kasama pang malaasong ngisi. I know I'm not hot or gorgeous pero bakit feeling ko hinuhubaran ako nito sa kanyang paningin. Parang napansin naman ng mga ito ang pagkaasiwa ko kaya mabilis binatukan nung Sean si Xerox.

"Aish!" Kagat labi na reklamo ni Xerox.

"Naku pasensya ka na Yen dito kay Mr. Photo Cop--"

"SEAN! Huwag mo 'kong simulan!" babala nito.

"Ops! Okay~okay! As I was saying Yen, don't get him wrong. I mean.. Itong si XEROX.. hindi siya nambabastos."

"They're right, gani--"

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon