Chinito XXIV

1.5K 34 6
                                    

---

Napalunok ako ng ilang beses nang magpark na si Xerox. Nilingon niya ako pagkatapos niyang hugutin ang susi sa ignition.

"Are you sure you still wanna do the photoshoot?"

"Yeah, sinabi ko na sa'yo di ba?"

"Eh mukhang nag-aalangan ka. Yen, maiintindihan ko naman kung hindi ka na tutuloy, really." sincere ang ngiting nasa labi niya.

"Tss. Arte mo. Nandito na tayo eh. 'Wag kang mag-alala hindi kita iiwan sa ere anu't anuman ang mangyari. Kaya taralets ng madali tayong matapos." pangungumbinsi ko sa kanya bago bumaba ng kotse. Pinagbuksan ko pa siya ng pinto ng hindi pa din siya kumilos. "Xerox machine magfunction ka naman. Hindi ako sanay sa hindi hambog na ikaw eh!" natawa siya sa sinabi ko kaya kibit balikat nalang na bumaba siya na parang sinasabi na "okay, kung talagang hindi ka na papaawat eh".

Tahimik na pumasok kami sa loob kung saan parang nalugi ang mga staff habang nagsasamsam ng mga gamit sa photoshoot. Tapos sa isang silya naman ay nakaupo si Marky. Nakatukod ang mga siko sa kanyang hita habang salo ng mga palad ang mukha niya. Tulala siya pero bakas ang pagkabalisa sa kanya. Nang mapadako ang tingin niya sa may pinto ay napatuwid siya ng upo at naubo. Napatingin din ang mga staff sa'min at nag-sialiwalas ang kanilang mga mukha ng makita na kasama ako ni Xerox. Kahit walang sinasabi si Xerox ay automatic na binalik nila ang mga gamit sa photoshoot sa pwesto nila kanina.

"Mauna ka na sa dressing room, papupuntahin ko kagad si Karly don para maayos ang make-up mo. Tas after ninyo don lumabas na din kayo. May idi-discuss lang ako kay-- Uhm. Ge na.." nakapout na sinunod ko ang sinabi niya. Mayamaya lang ay dumating na si Karly. Tahimik na inayusan ako. Never siyang nagtanong tungkol sa gulong nangyari kanina. Panay puri lang niya sa simple at natural ko daw na ganda. After akong ma-make-upan ay sinimulan na namin kagad ang shoot.

Pasimple kong tiningnan ang itsura ni Marky. Malaking tulong ang make-up para maitago ang pangingitim ng gilid ng labi niya. Hindi niya ako nginitian ng magkaharap kami. Hindi ako bitter ah! Nagulat lang ako dahil iba ang aura niya ngayon saka I was expecting him to act like a jerk pero thankful pa din siyempre ako kasi taliwas sa iniisip ko ang kinikilos ni Marky. Ginagawa lang niya ang mga instructions ni Xerox. I hate to admit it but I can say na pro talaga siya. Hiniwalay niya ang personal na issue sa trabaho at napakalaking tulong noon para marelax ako kahit papano. Natapos kami na may satisfied look sa mukha ni Xerox. Pumapalakpak na nagsalita siya.

"Good job guys! Our next schedule is two weeks from now. So, relax relax din pag may time. Nagpareserve ako sa La Silbidora. Magkita kita na lang tayo don, okay?" tuwang tuwa namang umokay ang mga staff na nandito.

"Baby Yen, si Clone na ang magdadala sa'yo don. I'll look for Nammie muna. Napasobra ata ang sermon ko. Baka nagbigti na 'yun sa puno ng kamatis." magsasalita sana ako para sabihing sasama ako pero nagsalita ulit siya. "You don't have to go with me. Don't worry he'll be fine." ngitian niya ako pero nagtaka ako tumagos ang tingin niya sa likod ko at nakangiting tumango bago umalis.

Kunot noong lumingon ako at parang nailang ako ng makita ko ang seryosong si Marky.

"Uh-- una na ako." at nagsimula na akong maglakad.

"Yen.."

"Uh?" napatigil ako at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.

"I'm sorry. I know it's not enough. I've been a jerk and I hurt you. Actually I don't know what's the right thing to do. I'm really sorry. Sana mabigyan mo ako ng chance na makabawi." at nag90 degrees na bow siya. "See you nalang sa next sked natin." nagbow ulit siya bago ako tinalikuran.

"M-Marky-- I mean Jae Hyun."

Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ako.

"Uh-- hindi ka ba pupunta dun sa resto? I mean--ano-- Xerox is expecting you to be there." Yenalisha Umandap! What was that? Hey! Walang masama sa sinabi ko di ba? I'm just trying to be nice since he apologized and duh! Hindi lang naman ako ang model ni Xerox. Malaki din ang naitulong niya para maging maayos ang shoot. Fine, sinabi mo Yen eh.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon