Chinito

99.5K 1.5K 554
                                    

---

"Oh my lechugas barabasssss! Ang gwapo talaga niya! I'm ready to die!" Impit na sigaw ko habang hinahampas-hampas ang bestfriend kong si Mira. Opo OA ako. Nakita ko na naman kasi si Chinito. Medyo late na siyang pumasok pero wapakels ako kung malate din ako basta matanaw ko lang siya kahit saglit lang. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ganito ang eksena ko. Mala-stalker kay Chinito. Pero ni hindi naman niya ako napapansin. Actually kaming lahat na patay na patay sa kanya ay deadma sa kanya. Kung gaano kaamo ng mukha niya ay kabaligtaran ng ugali niya kasi ubod siya ng suplado at sungit. Ang mata niya ay nakakatakot tumingin pero mas lalong nakakadagdag ng kanyang dating. Pero okay lang basta halabyu my Chinito!

"Ay naku Yen tigilan mo na yang pagpapantasya diyan kay chinito mo. Kahit anong gawin mo never ka niyang papansinin. Pati ako dinadamay mo sa kagagahan mo eh. Haisst! Late na tayo tara na." nakamangot na hinihila ni Mira ang laylayan ng uniform ko.

"Wait lang 'te! Isang sulyap na lang."

"Hindi ka naman niyan susulyapan pabalik eh. Tara na. Alam mo namang terror si Mam Solidad siguradong dedo tayo dun." pananakot pa niya.

"Haissst! KJ ka talaga!" Lumampas na sina Chinito kaya nakanguso akong sumunod kay Mira.

"Pupuyurin ko yang nguso mo eh. Ayusin mo nga yang sarili mo! Ano ka ba naman Yen? Kahit anong gawin mo hinding hindi ka papansinin ng chinito mo na yan! Itaga mo sa bato! Kapag pinansin ka niyan ibibigay ko sa'yo si chookie." Si chookie yung aso niyang alaga na love na love niya. Matagal ko ng hinihingi yun.

"Talaga bang wala akong pag-asa sa kanya?" lalong nanghaba ang nguso ko dahil sa sinabi ni Mira. Grabe talaga 'tong babae 'to napaka garapal at prangka. Bestfriend niya ako pero dinadown niya ako.

"Kelangan ko pa bang ulit-ulitin ha? Tingnan mo ang sarili mo. Mayaman ka nga pero hindi halata. Hindi ka kagandahan. Hindi ka sosyal. Hindi ka fashionista. Patay na patay ka diyan kay chinito pero tingin mo mapapansin ka niya ng pasigaw sigaw mo? Anak mayaman din yan. Hindi yan papatol sa mukhang so-so lang. Kita mo ngang yung ibang naghahabol diyan eh ke gaganda na pero ano? Deadma din sa kanya. Ikaw pa kaya na nagmumukhang alalay ko. Ang lakas ng loob mong mag-aksaya ng oras diyan sa chinito mo eh ni hindi mo nga mapag-aksayahan ng oras ang sarili mong ayusan." Sermon niya habang naglalakad kami papunta sa room namin.

"Ouch ha? Grabe ka naman. Bestfriend ba talaga kita?"

"OO. Alam mo Yen ang tunay na kaibigan ay hindi ka paplastikin. Hindi ka pupurihin. At hinding hinding magsisinungaling mapasaya o maplease ka lang."

"I know. Okay, sabihin na nating ordinaryo lang ako sa paningin mo o sa paningin ng lahat pero di ba simplicity is beauty at saka kapag sa love naman hindi mahalaga kung anong itsura mo."

"Sa ibang pagkakataon lang naaapply ang ganong paniniwala. Saka ano ka ba? Sa panahon ngayon mas pinapahalagahan ng mga tao ang itsura ng papatulan nila pangalawa nalang ang ugali."

"Hindi naman."

"Hindi? Eh anong tingin mo sa sarili mo? Bakit mo nagustuhan yang si chinito mo?"

"Dahil ano..."

"Ano? Di ba dahil gwapo siya? Malakas ang dating? Mayaman? Matalino?" Sunod sunod na tango lang ang naisagot ko.

"Pero di ba ubod ng suplado siya? Mainitin din ang ulo? Napaka-ungentleman? At higit sa lahat mayabang?" Tango ulit ako ng tango.

"Kitam! Patay na patay ka diyan kasi gwapo."

"Naman ihhhh."

"Naman ihh ka diyan! Mamayang uwian sasamahan kita sa salon, ipapamake over kita."

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon