Chinito IV

9K 110 35
                                    

BLAG!

"Y-Yen!"

De javu!

Mula sa pagbili ko ng cake, ang pag-ulan pagkarating ko sa building na 'to, ang nakabukas na pintuan at ang pagkabitaw ko sa box ng cake. Parang naulit lang! IAng pagkakaiba lang ay nasa tapat talaga ako ng unit 1066 at hindi 1069. Nasa tapat talaga ako ng unit ni Chinito!

Parang mauubusan ng lakas na umalis kaagad ako sa tapat ng unit ni Marky. Ni hindi ko na pinagkaabalahan na pulutin ang box ng cake na nabitiwan ko dahil sa pagkabigla. Nagmamadaling tumakbo ako palapit sa elevator ngunit malayo pa lang ay tanaw ko na na pababa pa lang sa basement ito kaya walang pagdadalawang isip na sa hagdanan ako dumiretso. Kailangan kong magmadali na makaalis sa lugar na 'to. Nanginginig ang bawat hakbang, hindi alintana kung ilang beses akong natapilok basta ang tanging nasa isip ko lang ay kailangan kong makaalis dito as soon as possible.

"Babe!" parang walang narinig na patuloy lang ako sa pagbaba. Pero naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"Babe! I-It's not-- it's not.."

"It's not what? Bitiwan mo ako! Aalis na ako!" pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pero mas malakas siya sa'kin.

"Babe naman.."

"Don't call me babe because that's bullsh*t! Bakit? Bakit Chinito?"

"Please don't cry.. Mali ang iniisip mo.."

Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay hindi na namalayan na umiiyak na pala ako. Pathetic! Napakapathetic ko! Hinawakan niya ako sa mukha at pinupunasan ang mga luha na walang tigil sa pagtulo. Galit na inalis ko ang mga kamay niya.

"Anong mali sa iniisip ko kung tama ang nakita ko? Marky bakit? Bakit siya pa? Bakit kayo pa?" nanghihina na napaupo ako sa hagdan habang umiiyak.

"Alibi lang ba 'yung kay Tita Yasmin? Kaya ba hindi mo ako naihahatid? Kaya ba halos wala ka ng oras sa'kin? I know wala akong karapatan na umarte ng ganito kasi hindi naman tayo! Pvtang ina hindi tayo! Pero sobrang sakit! Kulang na lang ng salitang OO para masabing tayo eh! Ano ba 'to? Palabas lang? Pinaglalaruan niyo ako? Bakit? Anong nagawa ko sa'yo?" mahigpit niya akong niyakap. Nagpupumiglas ako pero ayaw niya akong pakawalan.

"Babe.. Mali ang iniisip mo.. Totoong nagkita kami ni Tita Yasmin. Hindi kita natetext kasi nalowbat ang phone ko--"

"Nalowbat? You texted me kaya ako nagpunta dito! Tapos sasabihin mong lowbat ang phone mo?!"

"Eh totoo naman kasi! Pwede bang makinig ka muna!? I'll tell you everything! Walang labis walang kulang basta makinig ka! Okay.. Nauna lang siguro ako sa'yo dito ng twenty minutes. Pagdating ko dito nandito na siya. She wanted to talk to me daw. I consider her as my friend na din kaya pinatuloy ko siya. Dahil sakto namang nasa sala ang charger ko, doon ko na ichinarge ang phone ko then I told her na saglit lang dahil maghahanda ako ng mamemerienda. Pero pagbalik ko nagulat na lang ako ng magconfess siya. Mahal daw niya ako at siya na lang daw. I told her to stop. Pinaliwanagan ko siya na ikaw ang mahal ko. Tanging ikaw lang Yen. Na hindi tama ang ginagawa niya kasi ikaw ang masasaktan. At 'yun ang pinakahuling bagay na gusto kong mangyari. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan pero naabutan mo nga kami sa ganung sitwasyon."

"W-wow naman! Scripted ba 'yan? Pinaghandaan mo talaga ang panahon na mabubuko kita ah! T-tama na Marky.. Tama na ang kasinungalingan!"

"Yen maniwala ka naman oh. Mahal na mahal kit--"

"Mahal? Alam mo ba talaga ang ibig sabihin non? Bakit kasi naniwala ako na mamahalin mo nga ako? Sa itsura kong 'to? Hindi tayo magkalevel eh. Kumbaga sa puno.. Narra ka bonsai ako! Nakapanliliit na pinaniwala ko na magugustuhan ako ng isang tulad mo! Tama nga ako na baka akala mo lang mahal mo ako."

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon