Chapter 1: Dissonance Encounter
#DittoDissonanceWP
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: MAY 2024]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Malakas akong napabuntonghininga habang pinagmamasdan ang traffic. Napagod na ako nga kakabuhat, nakaka-stress pa 'tong traffic. Ano ba 'tong bansang 'to?
Tiningnan ko na lang ang Twitter ko habang nasa biyahe. Sinigurado kong maiiwas ko kay Kuya ang phone ko dahil baka mamaya may kung anong lumabas. Itong mga mutuals ko, hindi ilugar 'yung pagla-like. May lalabas na lang bigla na kung ano-ano.
"Zern, gusto mo ng kape? Drive-thru tayo sa Starbucks bago natin sunduin si Katie. Mamaya sa likod ka na, kasi sa harap ang prinsesa ko," aniya at ngumisi nang mayabang.
I hissed. "Tch. Akala ko ba ako lang prinsesa mo?"
"Dugyot. Paano ka magiging prinsesa may lawit ka," aniya at humalakhak.
"Baka nga mas malaki pa sa akin kaysa sa 'yo. Feelingero ka talaga. Minsan supportive tapos madalas basher. Para kang si Papa, ang aga-agang mag-joke," sabi ko habang nakangiwi at umiiling-iling.
Mas lalo siyang humalakhak sa reaction ko. Paborito nila ni Papa kapag napipikon kami ni Mama. Akala naman nila napipikon kami. Nagpa-plot lang naman kami ng murder case at kung paano namin malulusutan.
Tulad ng sinabi niya, dumaan kami sa Starbucks. Kung ano sa kaniya ay gano'n na lang din ang sakin, dahil kapag namili raw ako ay mahal at maraming kaartehan na add-ons kaya hindi na ako namimili. Manlilibre pero puro reklamo 'tong kapatid kong budoy.
Pero hindi ako pumayag na wala akong cookies kaya wala rin siyang nagawa. Pinagbigyan niya ako at pagbibigyan ko rin siya na dito na sa front seat si Katie. Magba-browse na lang ako sa Twitter habang nasa likod. Maglalandian lang 'tong dalawang 'to, eh.
Hindi kalayuan sa Starbucks namin hinintuan si Katie. May dala siyang donut pero mukhang hindi ako bibigyan. Para ata sa date nila. Mga malalanding committed.
"Hi, Zern! Blooming at fresh natin today, ah?" Pagbati sa akin ni Katie at nilingon pa ako mula sa harapan.
I smiled and giggled. "Ang yabang mo, porket anniversary ninyo? Gusto mong purihin din kita. Malalandi talaga kayo. . . hindi mo pa ako bibigyan ng donut mo."
Humalakhak siya. "Huy, hindi kaya! Totoong blooming. Parang in love at fresh na fresh for today's semester, ha?"
Ngumuso ako. "Parang sira 'to! Mamaya ma-drain ako kaka-compliment mo kasi mamaya may existential crisis na naman ako. Stop, nakaka-trigger! Chariz."
Nagtawanan kami ni Katie kaso umepal naman 'tong Kuya ko. "Tigilan mo nga si Katie my princess. Baka ma-virus-an ng kaharutan mo!"
"Ulul. Baka kamo mahawaan ko ng magandang energy at magandang mood. 'Yung energy mo kasi para kang namatayan. Nagpapogi ka pa ngayon, akala mo bagay sa 'yo kang checkered mong polo, e mukha ka namang mantel!"
Nag-apir kami ni Katie. Akala niya! Kakampi ko kaya jowa niya. Dahil ako reporter kung nasaan si Kuya kay Katie. Malamang para bigyan ako ng donut. Since hindi lang ako bading na alipin ng salapi, kundi alipin din ng pagkain.
Natigil lang kami ni Kuya sa asaran nang bigla na siyang kinausap ni Katie tungkol saan. Humiga na lang ako sa backseat at nag-browse sa Twitter.
tite @zjoshvilla
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romantizm[BOYS' LOVE] (REVISED VERSION: MAY 2024) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ They say life is about compatibility. When you are pai...