Chapter 48

33.8K 1.1K 1K
                                        

Chapter 48: Apprehensive Connection

#DittoDissonanceWP

Thank you for commenting and voting! They were all appreciated. I hope you enjoy this chapter.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Habang nasa biyahe, kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano 'yong kailangan kong maramdaman sa ginawa ni Caiden kanina. His choice of words was making me tremble inside.

Parang sobrang makahulugan n'on, kung sambitin niya.

Gano'n ba ako kahalaga sa kaniya para sabihin niyang 'wag na akong lalayo sa kaniya at 'wag na rin akong maiilang sa kaniya? At sinabi niya pang, doon lang ako sa mas malapit sa kaniya kung saan niya ako mas nahahawakan. Anong ibig sabihin no'n? Dapat ba akong mag-assume?

I was starting to feel different emotions. 'Yong pagkalito ko, may kasamang ibang pakiramdam. Para bang may nagsisimulang something na hindi ko maintindihan kung ano. Wala rin kasi ako sa posisyon para mag-assume or bigyan ng mas malalim na ibig sabihin 'yong sinabi ni Caiden.

Pero putangina talaga. First time ko lang ma-experience na may nagsabi sa akin no'n. Ang corny kapag naririnig kong sinasabi ng ibang tao sa mga movie, pero ngayong sinabi sa akin, parang. . . nakakahilo at nakakatulala. Ang hirap i-process!

Lalo na kapag hindi sigurado kung bakit 'yon sinabi. Like... para saan 'yon? Bakit niya 'yon sinabi? Ano'ng dapat kong i-take sa sinabi niya?

Basta! Putangina. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kumakabog 'yong dibdib ko sa sobrang kaba. Gusto niyang 'wag akong mailang sa kanya, pero sinabihan niya ako nang gano'n tapos walang context!

Hindi naman mahaba 'yung pinagsamahan namin! It's just been a week! Although, hindi rin naman mame-measure sa tagal 'yung pagpapahalaga natin sa isang tao. Hindi ko lang talaga maintindihan. . . gano'n na ba ako kahalaga kay Caiden para masabi niya 'yon?

I wanted to acknowledge his words... but they were lacking. That lack made me confused and somehow distant...

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Tahimik kaming apat na naglalakad papunta sa burger place na sinasabi ni Caiden. Ni walang gustong umimik. Nakadikit sa akin si Leroy at nasa tabi niya sina Caiden. Mas pinili kong pumuwesto rito dahil magulo pa ang isip ko.

Si Caiden ang um-order para sa aming apat matapos naming mamili. Pumuwesto na kami sa bandang dulo—sa bahagyang naaanggihan ng aircon.

Nasa harap namin si Titus at nahihiyang tumingin sa amin ni Leroy. He looked kinder now. His expression did not look mocking anymore. Mukhang totoo ang sinabi ni Caiden sa akin kahapon.

Out of nowhere, I spoke, "May girlfriend ba si Caiden?"

Titus' eyes circled. His lips parted. "Uh. . . wala naman. Hindi na rin kami nakakapag-club kaya wala na rin siyang kaka-hook up," he calmly said.

Tumango-tango ako. "Okay. Pero wala siyang nililigawan ngayon? Wala naman siyang type ngayon na girl?"

"Wala naman siyang nakukuwento sa amin kaya hindi ko rin sigurado. Ikaw lang naman ka-chat niya, 'saka kami minsan. Hindi naman kasi mahilig makipag-chat 'yan si Caiden. Tamad 'yan mag-type," sabi ni Titus at mahinang natawa.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon