Chapter 39: Changing Course
#DittoDissonanceWP
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Kung nakaka-stress ang araw ko kahapon, mas nakaka-stress ngayong Friday.
Nagising kasi ako ng alas-sais pero pinatay ko ang alarm ko para mag-alarm ulit ng alas-siyete.
Hindi ko kaya!
Inaantok pa ako at pagod na pagod pa ang katawan ko. Ginising pa nga ako ni Mishael dahil nandiyan daw sina Leroy at Ashton pero hindi ako bumangon.
Naramdaman ko na lang na inaalog-alog na ako ni Leroy. Alas-nuwebe kasi ang pasok namin at mag-aalmusal pa kami. Kaya nawalan na ako ng choice kundi bumangon at maligo para magising ang kaluluwa ko. Nagbihis na rin ako agad ng pampasok para deretso na ako sa klase mamaya. Saving my energy!
Pagkatapos naming kumain sa isang spaghetti house near highway, bumalik na agad kami sa university. Lagpas isang oras kaming nakatambay ro'n dahil hindi tinigilan ni Leroy ang cheese bread na binenbenta ro'n. Nakailang order pa siya ng chocolate dip para sa tinapay niya.
Sa unang subject naman namin, nagpa-surprise seatwork si Ma'am kahit ngayon pa lang naman niya kami ime-meet. Galing, putangina. To assess daw our knowledge about the subject at recorded daw agad. At hindi lang 'yon, after niya mag-discuss may activity siyang pinagawa para ipasa bukas.
So saya! Grabe, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga santo na naging professor ko siya. Dahil diyan, gusto ko siyang ipagdasal na maaga na siyang sumama sa mga santo dahil sobrang buti niyang tao. Eme!
Nag-overtime pa nga siya, e. Dahil sa kaniya kaonti na lang ang time namin para mag-lunch. Kaya habang kumakain kami ni Leroy, bwisit na bwisit kami parehas at kung ano-anong reklamo ang isinawalat namin pero mamaya gagawa pa rin naman kami ng activity. Wala naman kaming choice, e. 'Pag-college, magrereklamo lang pero gagawa pa rin dahil kailangan mag-comply.
Hindi na nakasabay sa amin si Ashton mag-lunch dahil maaga siyang pumasok para sa 1 p.m. class niya. Hindi rin kami nagtagal ni Leroy tumambay dahil may klase rin kami ng ala-una.
Sa second class namin, gusto ko ring magpasalamat na naging professor ko siya dahil hindi siya nagtuturo! Nanood lang kami sa YouTube ng kung ano-anong patungkol sa subject niya.
Buong tatlong oras kaming nakatunganga sa projector at mukhang mga baliw na nagte-take notes kahit puwede naman naming panoorin mamaya. Magpapa- quiz daw kasi siya next Friday. Wow! Super happy talaga. Super grateful!
Kahit alas-tres din ang tapos ng klase ni Ashton, hindi pa rin namin siya nakasama dahil may group activity raw siya kasama ang mga ka-block niya. Kaya na-miss ko agad ang presence niya.
Okay naman akong kasama si Leroy, mas masaya lang kapag kompleto kaming tatlo. Mas may dynamic. Since si Ashton ang punching bag naming dalawa dahil parehas kaming Disney princess ni Leroy. Parehas kaming maraming reklamo at kaartehan sa buhay.
After ng group activity ni Ashton, may klase pa siya ng alas-kuwatro at 'yon ang start ng shift ko. Baka mamaya ko pa talaga siya makita or baka bukas na dahil ayaw ko na rin siyang pasunurin dito. Baka gabihin na naman sila ni Leroy at hindi pa sila makapagpahinga nang maayos dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
