Chapter 32

31.1K 1.1K 957
                                        

Chapter 32: Easing Fire

#DittoDissonanceWP

Thank you for reading Ditto Dissonance. I appreciate your presence for continuing. Enjoy!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025] 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

As soon as I went out of the locker room, I saw Zern and his other friend talking to Ashton. Nasa gitna pa talaga sila ng court. They seemed to be so very close. 

Pero wala na ako ro'n. As long as na-clear ko na 'yong air sa amin ni Ashton, wala nang problema. Ayaw ko lang na may maging gulo sa loob ng court. At magiging way na rin 'yon para hindi na talaga kami magpansinan ni Zern.

Pinuntahan ko sina Echo at Titus na nasa bleachers at nagkukwentuhan. Naupo ako sa tabi ni Titus. Pero imbis na makisali ako sa kwentuhan nila, napatingin ulit ako kina Zern. Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya kay Ashton. 'Yong isang kaibigan lang niya ang nagsasalita.

Bigla ko tuloy naalala 'yong ginawa ni Ashton kanina. Pinapunas niya 'yong pawis niya kay Zern. It looked like he was flirting with him. I wouldn't do that even if I were super close to that person. I even heard him teasing Zern, and he liked his reaction. As a guy, I could tell that he liked Zern. Or am I just assuming things?

What the fuck am I thinking about? Getting so curious about someone's life.

I just laughed it off in my head.

Ibinaling ko na lang ang atensiyon ko kina Titus na nagkukuwentuhan tungkol sa naging laro kanina. Nakikitawa rin ako pero hindi ako nakikikuwento. 

Tulad nila, nag-enjoy rin ako sa laro. Maayos ang lahat. Walang naging away or initan. Literal na friendly-casual game lang ang nangyari kaya siguro magaan ang pakiramdam ko ngayon.

Surprisingly, I don't feel irritated seeing Zern. I don't know why. Maybe because I decided to have a nice talk with Ashton. Maybe that's why. He explained some things that made sense to me and I somehow realized what he was trying to say. I realized his point about Zern and I accepted it. But maybe I don't have to live and deal with it. It's not like Zern and I are friends, right? Mas magandang malayo na lang kami sa isa't isa para wala ng mabuong gulo.

Ang mahalaga naintindihan ko naman. At hindi na ako naiirita sa tuwing nakikita ko si Zern ngayon. I feel myself way better. Maybe I was wrong for starting to hate Zern for nothing. He's gay and all, but it doesn't matter, really. 

Siguro, marami lang talaga akong unexpressed anger noon. Na sana naprotektahan ko 'yong sarili noon. Na sana hindi ko na 'yon naranasan. Naiisip kong paano nila 'yon nagawa sa akin. Kaya siguro sobrang bilis kong magalit dahil naipon sa akin nang naipon. Kaya kaunting trigger lang, mabilis akong sumabog.

Tama rin naman si Ashton. Maybe I was too harsh to Zern. Hindi ko naisip 'yung shoes niya at binubuhos ko lang lahat sa kaniya lahat ng gusto kong sabihin. I dumped him everything I have in myself. I think that's wrong. Mali rin 'yung ginawa ko. I hope ma-realize rin ni Zern 'yung mga mali niya para parehas na kaming maka-move on sa kung ano ang dapat naming lampasan.

But it's all good now. Like I said, ang mahalaga hindi na ako naiirita kapag nakikita ko siya. So, no more feuds from now on. Hindi na kami mag-aaway. I hope we get along somehow. Kahit alam kong imposible 'yon. I'm just hoping for something best for me.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon