Chapter 38: Reaching but Not Too Far
#DittoDissonanceWP
what are your thoughts on the story so far? let me know! <3 enjoy!
Don't forget to vote, Daris! Thank you!
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Tulad ng sinabi ni Ashton, naabutan namin siya sa labas ng classroom namin para sabay-sabay na kaming magpunta sa Tafiti's. Ramdam ko na rin ang pagod, pero kailangan kong magtrabaho. Plus, iniisip ko pa ang mga dapat kong gawin mamaya pagbalik sa dorm.
Nakakapagod, pota. Ang hirap maging hampaslupang main character. Charing.
Nagtatawanan kaming tatlo habang naglalakad palabas ng building dahil sa mga kinukuwento ni Leroy. Pero unti-unting nawala ang ngiti ko at bumagal ang paglalakad nang namataan ko si Caiden na naglalakad mag-isa. Nakapikit siya at inuunat ang leeg. He must be tired and stressed. Ipinagkibit-balikat ko na lang.
"Zern, ano? Bakit ka huminto?" rinig kong sabi ni Leroy.
Maglalakad na sana ako papunta sa kanila nang makita ko namang lumabas ng building—kung saan din galing si Caiden—ang mga kaibigan niya. They looked mad... or namamalikmata lang ako at nag-a-assume?
It left me with questions. Bakit nila hahayaang maglakad mag-isa si Caiden kung galing din pala sila sa building? Hindi ba sila magkakasama? Ang alam ko, same lang ang program sina Titus at Caiden. I was pretty sure dapat magkakasama sila.
Pero bakit mag-isa lang si Caiden?
Nang balingan ko sina Leroy at Ashton, malayo na sila. Iniwan na nila ako pero binabalik-balikan din nila ako ng kaya nagmadali na akong maglakad para mahabol sila.
"Bakit naestatwa ka ro'n? Crush mo na 'yong mga kaibigan ni Caiden?" sabi ni Leroy habang nakangiwi sa akin.
Umiling ako. "Hindi, boang! Nakita ko kasi si Caiden din na naglalakad mag-isa, tapos nakita ko bigla 'yong mga kaibigan niya," sabi ko at napanguso.
"Ano naman? Bawal na bang maglakad mag-isa si Caiden?" nang-aasar na sabi ni Leroy kaya mahinang natawa si Ashton at nilingon din ako.
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Ashton, kausapin mo nga 'yang friend mo. Ang gulo kausap," sabi ko at umiling-iling pa.
Humalakhak si Ashton. "Nag-aaway na naman kayo agad."
Iniligaw ko na lang ulit ang mga mata ko sa paligid, nang muli ko na namang namataan si Caiden na mabagal na naglalakad. Kababalik niya lang ng phone niya sa bulsa saka sinuklay ang kaniyang buhok palikod. Nangunot ang noo ko nang bahagya niyang sinabunutan ang buhok niya bago bumuntonghininga.
Nag-iwas na ako ng tingin.
Pero hindi maalis sa isip ko kung bakit sanakita ko ngayon, mas naramdaman kong may problema.
He was alone, and hisfriends looked mad a while ago. Parang may away na naganap. Hindi naman siguro tungkolkay Titus, 'no? Iniisip ko tuloy na baka dahilsa nangyari kanina...or hindi naman?
Kusa akong napatingin ulit kay Caiden at parang umikot ang kalamnan ko nang nakatingin din pala siya sa akin. Mukhang pagod na pagod ang mga mata niya. Hindi ako sigurado pero. . . parang may luhang nangingilid sa mga mata niya at naaninag kong bahagya ring namumula ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Storie d'amore𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
