Chapter 35

19.1K 752 921
                                    

Chapter 35: Apparently, Too Close

#DittoDissonanceWP

enjoy! don't forget to vote <3 tysm

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Nagkatinginan kami ni Leroy nang umalis na si Caiden para samahan 'yung kaibigan niyang ballpen. Napabuntonghininga si Leroy habang ako ay hindi ko alam kung anong ire-react ko. Nakatulala lang ako at blanko ang mukha kong nakaharap kay Leroy.

"Ang casual niya naman, hindi ako sanay," sabi ni Leroy at mukhang pinoproseso rin ang biglaang pangyayari.

Awkward akong natawa dahil hindi ko rin 'yon ma-process pa nang maigi. Hindi ko nagawang sumagot kay Leroy. Nanatili lang kaming nakatayo ro'n hanggang sa makabalik na sina Caiden. As usual, sobrang seryoso niya lang at ang casual ng energy niya sa amin ni Leroy. Tulad ng sabi ni Leroy, hindi rin ako sanay. Hindi ko alam kung anong mafe-feel ko talaga. Ano ba 'to!

"Tara na?" sabi ni Caiden kaya tumango lang ako at hindi ko pa nagawang tumingin sa kaniya. Basta na lang akong lumabas 'pagkatapos kong tumango.

Habang nasa hallway kami, binagalan ko ang lakad ko nang kaonti para mauna sina Caiden at magkasabay kami ni Leroy. Mas mabuting nasa likuran niya ako, hindi ko siya kayang tingnan. Nahihiya ako na ewan. Basta! Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag 'yung pakiramdam. Ang uneasy ko na ewan. Ang hirap huminga.

Sumakay kami sa elevator. Pinauna kami ni Caiden pumasok sa elevator, mas mabuti para nasa likuran nila kami ulit. Hindi rin sila nag-uusap ng kaibigan niya. Tahimik lang din sila habang nasa elevator. Parang hinga lang ni Caiden ang pinakanaririnig ko.

Bumaba kami sa 5th floor, at tulad kanina sumunod lang kami sa kanila ni Leroy. Nakatitig lang ako sa malapad na likod ni Caiden habang iniisip kung ano na naman 'tong meeting na 'to. Kalat-kalat na ang isip ko. Mao-organize ko lang 'tong isip ko kapag tumahimik na ang paligid ko, at sina Ashton na lang ang kasama ko. Putangina talaga. Feeling ko mamamatay na ako sa sobrang gulo ng nasa isip ko.

Huminto si Caiden sa Room 507 bago kami nilingon.

"Tabi na kayong dalawa sa amin," sabi ni Caiden at sa akin siya nakatingin.

Natulala ako ng ilang segundo sa mukha niya 'saka napalunok. "Ah. . . uh. . . si-sige. Okay lang naman, go lang," sabi ko at umiwas agad ng tingin.

Patago akong naghagilap ng hangin nang nag-iwas na rin ng tingin si Caiden. Siya ang nagbukas ng pinto. Sumunod lang ulit kami ni Leroy sa kanilang dalawa. Marami ngang tao, bigla tuloy akong lalong na-drain. Putangina.

Sa pinakadulo kami umupo, which is somehow good. Dahil kaonti lang ang nasa likuran, matatangkad din naman kami except do'n sa kaibigan ni Caiden na ballpen. Hanggang tainga ko lang kasi siya.

Ang problema ko na lang, katabi ko si Caiden at nakapatong ang siko niya sa arm chair ko! Ang laki-laki niyang tao, pati 'yung braso niya parang puwede unan. Huy eme lang. Pero oo, malaki 'yung braso niya kaya umuurong ako nang kaonti kay Leroy dahil magkakadikit 'yung braso namin ni Caiden. Malaki rin naman kasi akong tao, kaya magkakadikit talaga kami kung hindi ako uurong kay Leroy.

Patago akong bumuntonghininga para i-focus ang sarili ko sa pinagsasasabi ng professor sa gitna. Nag-introduce siya ng sarili niya para sa mga hindi pa nakakakilala sa kaniya. Siya ang head ng department ng program ni Caiden, at kasama niya rin ang head ng department namin. Ano na namang mayroon?

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon