Chapter 36

35K 1.1K 1.6K
                                        

Chapter 36: One is Closer, so is Dissonance

#DittoDissonanceWP

I like this chapter! Enjoy and don't forget to vote.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Sa unang oras ko sa Ginto's, walang dumadating na customer. Kahit pumatak na ang alas-onse, wala pa rin. Natatanaw kong mas maraming tao sa Tafiti's. It must be Zern's first day, too.

Naupo na lang muna ako sa isang table kung nasaan si Titus, siya pa lang ang unang nagawan ko ng kape ngayong shift ko. Sana mamaya may mga dumating naman, gusto ko ring masanay gumawa ng kape. Pakiramdam ko kasi kapag naka-stand by lang ako, wala akong progress na nagagawa.

"Mamaya pala may meeting daw 'yong department natin, pati 'yong department ng BS Archi. Hindi ko alam kung tungkol saan," sabi ni Titus.

Tumango ako at humalukipkip. "P're, tingin mo okay lang si Zern? Hindi naman niya dinadala 'yong nagawa ko sa kanya? Hindi ba 'yon nakadagdag sa kanya?" sabi ko at napabuntonghininga.

Nangunot ang noo ni Titus. "Kanina mo pa 'yan kinikwento, Caiden. Hindi ka pa rin tapos sa kaka-worry kay Zern. E 'di lapitan mo siya, kumustahin mo. I-close mo. Para ma-sure mong okay lang siya," sabi ni Titus at parang naiirita na.

Sa buong isang oras na pananatili ni Titus dito, natapos na akong magkuwento ng nangyaring almusal kanina. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung okay lang si Zern. At paulit-ulit ako ng pagbanggit kay Titus n'on.

Hindi ko alam, nagwo-worry ako na hindi ko maintindihan. Mas nag-sink in lang kasi sa akin nang mas mabuti na mabait si Zern, at mabuti siyang tao. He's nice in general. Tapos tinrato ko siya nang gano'n. Nagi-guilty ako na ewan. Parang gusto kong bumawi. Gusto kong mas maging mabait sa kaniya. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi naman kasi kami close, para magawa ko 'yon. It would be awkward kung bigla ko na lang siyang aalukin maging friends or mag-hang out. Ewan ko. Fuck. . .

Iniisip ko rin kasi na baka mailang siya sa akin, since sobrang iwas niyang tumingin no'ng magkasama kaming mag-almusal. Kaya lalo akong na-bother.

Paano kung mawalan siya ng gana makipag-friends dahil sa akin? Dahil tinrato ko siyang parang basura. Paano kung hindi na siya maging sweet sa friends niya? Mukha naman siyang sweet person. In general, paano kung malaki pala 'yung naging epekto sa kaniya no'ng ginawa ko? And I'm just here. . . sitting.

Kahit kinonvince ko na ang sarili ko kanina habang naliligo na sundin ang sinabi ni Magnus—na hayaan na lang kasi baka mas lumala pa—hindi ko magawa.

Maybe because I cared... and I realized my mistakes. I was also aware that a simple sorry could not fix bullet holes. Kaya may urge sa akin na gumawa ng something more to let him know na I was sorry.

Right? Or am I overthinking?

"P're... Ano? Natulala ka na," sabi ni Titus at tinapik ako sa braso. "Kung ako sa 'yo, makipag-close ka na kay Zern. Hindi 'yong ini-stress mo 'yang sarili mo. Sinabi na nga ni Magnus sa 'yo, 'di ba, na hayaan mo na lang. Pero ikaw 'tong hindi pa rin matahimik, eh, di kausapin mo si Zern. Makulit ka, eh."

Napabuntong-hininga ako. "It would be awkward kung bigla akong makikipag-close."

"E 'di maging natural ka. Maging mabait ka lang. Ikaw bahala, pre. Kung anong gusto mong gawin para kay Zern. Parang lumalabas kasi, gusto mong bumawi nang todo-todo. Hindi ka nakuntento sa sorry na sinabi mo. E 'di, bumawi ka na lang sa ibang paraan. Ewan ko, pre. Hindi ko alam kung anong gusto mo mangyari, ikaw bahala," sabi ni Titus at binalingan na ulit ang phone niya.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon