Chapter 70 (Part Two)

20.4K 511 111
                                        

Chapter 70 Part Two: How it Ends

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Habang nanonood ako ng rehearsals, hindi ko maialis sa isip ko ang nangyari kani-kanina lang. I couldn't process it very well. Hindi ko rin kasi inaasahan na biglang liliko sa ganito ang pangyayari.

Hindi na nga namin siya pinapansin. Pero mukhang kaya pala siya sumusunod, para makakuha ng information kay Caiden. They didn't even force to be discreet—lantaran silang sumusunod sa amin at alam nilang hindi namin sila papansinin kaya siguro malakas ang loob.

Humugot ako ng malalim na hininga saka umiling.

Hindi magku-quit si Caiden sa pageant na 'to.

Kahit ano'ng mangyari, hindi ko 'yon hahayaan.

Kasi bakit? Bakit kailangang mag-quit ni Caiden para sa kanya? Kung gusto ni Tristan na talunin si Caiden, talunin niya nang patas. At hindi ko na 'to uulitin sa kanya, mukhang kahit anong paliwanag ko... wala siyang makukuha.

Tulad ng ginagawa namin, i-ignore lang namin siya. Magpo-focus kami sa mga kailangan naming gawin. Mukhang kahit ano namang gawin namin, hindi pa rin siya titigil. Sundin man namin siya o hindi, lahat may risk. It was better na gawin namin kung ano ang dapat.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Sabay-sabay kaming naglalakad nina Ashton, Leroy, at Caiden papunta sa Tafiti's ilangminuto matapos ang rehearsal. Hinatid din namin sa kotse sina Tita Divine at Tito Austray.

Tulad ng inaasahan ko, hindi ko naitago kay Caiden ang pagkabalisa ko... lalo na sa dalawang kaibigan ko. Alam nila talaga agad kapag may something na nangyari.

Wala naman akong balak itago. Gusto ko ring sabihin sa kanila para alam nila at hindi ito maipon sa akin. Isa pa, pare-parehas lang naman kami ng magiging sagot.

Sinabi ko nang mabilisan sa kanilang tatlo ang nangyaring pag-uusap namin ni Tristan kanina.

"Alam mo, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko tungkol diyan. Kasi kasalanan naman niya 'yong ginawa niya. Inani niya lang 'yong consequence ng naging action niya," sabi ni Leroy saka umiling-iling.

Mahina akong natawa. "Kaya nga hindi ko ma-gets kung bakit sobrang eager niyang mag-revenge, eh, kasalanan naman niya?"

"Bakit naman niya gustong mag-quit si Caiden sa pageant? Para manalo siya?" sabi ni Ashton.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Ang sabi niya, gusto niya raw mangyari kay Caiden ang nangyari sa kanya noon."

"He wanted me to quit, para mag-suffer ako sa consequence. I don't mind though. Naiinis ako na hindi pa rin siya tumitigil at nagawa ka pa niyang takutin nang gano'n. Kung nasimulan ka niyang ganyanin, hindi siya lalong titigil, base na rin sa sinabi mong sinabi niya," seryosong sabi ni Caiden habang tuwid ang tingin sa daan.

Napabuntonghininga ako. "Hindi ka magku-quit sa pageant, Caiden. Pabayaan mo siya. Nananakot lang 'yan. Kaya ko naman ang sarili ko. Nandiyan din naman ang mga kaibigan ko pati ang mga kaibigan mo. Mag-focus ka lang sa pageant."

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon