Prologue

130K 3.3K 1.3K
                                        

Prologue: Ditto

#DittoDissonanceWP

Warning: Please be advised that this story may contain words that are not suitable for everyone. Cussing, too liberated words, or it may also contain slurs to emphasize some scenes but doesn't intend to offend anyone and is only used in a fictitious manner. thank you ^v^

Note: This story is a slow burn romance, and a red flag to green flag character. You need your LONG patience as you read this story..

・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Putangina. Shet naman.

Bukas na pala ako lilipat sa dorm. Wala ako sa mood para lumipat! Ang bigat ng mga gamit ko. Walang silbi 'tong biceps ko kung bading naman ako. Dapat sa akin inaalalayan ng lalaking may malaking biceps since I'm a soft and weak girl pa naman.

"Zern, handa na 'yong pagkain." Si Mama na kabubukas lang ng pinto. "Kain na tayo."

Bumuntonghininga ako at nagtaklob ng kumot. Tinatamad ako bumangon!

Tinanggal ni Mama ang pagkakataklob sa akin ng kumot. She smiled softly at me as she swept the strands of hair away from my face.

"Kain na tayo, Zern. Mamaya maglilipat ka pa ng gamit mo," sabi niya. "Ikaw kasi, binalik mo pa lahat ng gamit mo rito last sem. Tutulungan ka naman ng kuya mo." Tinapik-tapik niya pa ang tiyan ko.

"Ayaw ko pa mag-aral, 'Ma. Naiiyak na ako agad sa dami ng plates na dapat asikasuhin ngayong sem," sabi ko at sumimangot. "Pero sige, babangon na ako. Gagawan ko pa kayo ng bahay ni Papa."

Mahinang natawa si Mama. "Ang gwapo-gwapo mo, anak. Ang kinis ng balat! Panigurado may bago kang makikitang pogi ro'n. Ayaw mo ba ng pogi?" Tinaasan niya ako ng kilay.

I hissed and rolled my eyes. "Syempre, gusto! 'Yon na nga lang motivation ko kapag nase-stress ako sa school. At saka gusto mo lang bumangon ako, e!"

Humalakhak siya. "Tara na, 'nak! Nagluto ako ng paborito mong hotdog. Alam kong hindi ka papakabog sa kainan ng hotdog," aniya at pinalo ako sa tiyan.

Tumayo na siya habang tumatawa pa rin. Iniwan na niya ako ro'ng nakasimangot. Si Mama ang aga mang-asar! Pero parehas sila ni Papa na supportive sa akin sa sexuality ko. Si Kuya naman ang nagbibilin sa akin na mag-ingat sa mga lalaki, kabisado na raw niya ang mga galawan.

Nakikinig na lang ako dahil hindi niya ako bibigyan ng pera kapag hindi. Bilang isang alipin ng pera, syempre go ako diyan. Kahit alam ko naman na rin talaga ang galawan ng mga lalaki. Ako pa ba?

Nag-CR lang ako saglit bago bumaba. Nadatnan ko na silang naghahanda sa hapag-kainan. Si Papa pala ang nagtuloy ng niluluto ni Mama habang inaaya niya akong kumain.Si Kuya naman ay inaayos ang kotse niya dahil tutulungan niya akong maglipat mamaya.

"Kain na tayo, 'nak." Si Papa na kalalapag lang ng isang plato ng hotdog sa lamesa.

"Good morning, Papa bear," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Ano ba 'to, feeling dalaga!" pabirong sabi ni Papa.

I hissed. "Sus! No'ng nalaman mo ngang bading ako no'ng high school ikaw pa nagbili sa akin ng lip tint para mag-sorry kasi nagalit ka no'ng umamin ako. Hindi ko naman nagamit."

Humalakhak si Mama. "Naalala ko 'yon, tawang-tawa ako dahil akala ko para sa akin 'yon kaya ginamit ko tapos nagalit si Papa mo dahil bakit ko raw ginamit, e para raw sa 'yo 'yon."

Niyakap ko ulit si Papa at ngayon ay tinugon niya ang yakap ko. Hindi siya sweet gaano at lalaking-lalaki pa rin magmahal.

"Tara na, kumain na! Puro kabadingan na naman 'tong si Zern. Magsama kayo ng mama mong baliw!" sabi ni Papa at mahinang natawa.

Nagtinginan kami ni Mama at parehas kaming nag-make face at ginaya ang sinabi ni Papa. Umupo na ako sa tabi niya at saktong kapapasok lang din ni Kuya Zac.

"Zern, dadaanan ko lang si Katie, 'tapos hatid na kita sa dorm mo," sabi ni Kuya at umupo na rin sa tabi ko.

"Magde-date kayo, 'no?" sabi ko at kiniliti siya sa tagiliran.

Mahina siyang natawa. "Oo, anniversary namin, e. Inggit ka na naman dahil wala kang poging boyfriend na malaki 'yung biceps. Parang ganito?" aniya at finlex ang biceps niya.

"Yuck!" I grimaced. "Ang asim."

"Tumira ka pa sa kilikili ko, uy! Paborito 'to ni Katie, 'no! Hindi ka ba natutuwa na may sobrang guwapo kang kuya? Pinagkakaguluhan no'ng college ng iba't ibang department." Mayabang pa niyang tinapik-tapik ang dibdib. "Ngayon, pati sa office. Pero bilang isang tapat at loyal na lalaki, si Katie lang ang natatangi kong mahal," proud niya pang sabi.

Ngumiwi kami ni Mama dahil parehas sila ni Papa na gano'n lagi ang linyahan. Wala namang nagtatanong. At kahit walang nagtatanong, kusa lang nilang sinasabi bigla as if may pakialam kami ni Mama.

"Kumain na! Nagbabangayan na naman kayong dalawa. Ako lang ang gwapo dito. Si Zern, pogi pero bading. Si Zac, pogi pero mas pogi ako. Kaya walang winner," sabi ni Papa at umupo na rin sa tabi ni Mama.

"Mama, kausapin mo nga 'yang asawa mo... ang aga mag-joke," sabi ko at umiling- iling.

Nagtawanan kami sa sinabi ko. Nag-asaran lang kami saglit at nagsimula na ring kumain. Napunta rin tungkol sa semester ko ang usapan. Lalo na sa bayarin.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"Have you contacted Dexter? He'll be helping you move today. Be good this semester, limit your girls. You can have your fun, but keep your focus on your studies, Caiden," Dad said firmly, his tone leaving no room for argument.

"Yes, Dad. I'll be good."

I just agreed to that, but I would be doing the opposite.

Actually, Dad didn't really have a problem with what I would do. As long as my grades were decent, he was okay with it. He just gave me a few reminders here and there. Mom was the strict one.

I'm young, and I just wanted to enjoy my life. I wanted to do the things that made me happy—that was how I got by. Otherwise, what else was there for me?

"You should listen to your father, Caiden." Si Mommy. "Hinahayaan lang kita pero bubungangaan kita kapag lumagapak 'yang grades mo! Ipapadala kita sa Australia! Tutulong ka sa pag-manage ng company. Alam mo naman na mahalaga 'yon para sa papa mo."

I nodded with conviction. "Of course, 'Ma! Ako pa ba? Hindi ko naman pinapabayaan ang grades ko. Naghahanap lang talaga ako ng diversion."

Sa current situation ko talaga, ang nasa isip ko lang ay makapagtapos habang nag-e- enjoy. I refused to let time slip by without truly savoring every phase of my life. I needed to do what made me feel alive.

"Tigilan mo ako Victorino!" she exclaimed. "Lahat na nga nasusunod sa 'yo! Kapag ikaw nakabuntis, ipapasok ko 'yang ano mo sa bibig mo! Sige!"

"Don't forget that I can understand Filipino, hon."

"I'll handle him if it comes to that." My father turned to me. "Listen, Caiden, there are limits to everything. Don't let your pride get in the way of your future. Take your chances, but be smart about it. I'm saying this as your father who only wants what's best for you."

I just nodded. Hindi ko naman din gaano naintindihan 'yong sinabi niya. Alam ko naman ang limits ko. Bahala na. Isang year na lang naman, ga-graduate na ako. Might as well, i-enjoy ko na lang. Hindi ko rin naman iko-compromise 'yong pag-aaral ko. Ayaw ko ring masyadong ma-stress.

Anyway... I was excited for this semester. I was definitely going to have fun with some girls. That's what I would do until this semester ended.



Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon