Chapter 46

33.8K 1K 1.1K
                                        

Chapter 46: Eyes Don't Lie

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"Do you. . . like me. . .?"

Ashton's lips parted. He wasn't flustered. Nanatiling maamo ang kanyang mukha... na para bang alam na niya ang sagot sa tanong ko. Para bang hindi na niya kailangang pag-isipan.

His lips curled into a soft, brief smile while staring into my eyes intently.

"Do you need an answer. . . or do you just feel like it?" he whispered before looking down at my lips once more.

Napalunok ako. "Nagseselos ka ba sa amin ni Caiden? Kaya ka ba nagalit kanina? Never mo akong pinagtataasan ng boses, Ashton," bulong ko pabalik sa kaniya kaya muling umangat ang tingin niya sa akin.

Hindi siya makasagot sa tinanong ko. Nanatiling na magkatagpo ang mga mata namin. Hindi ko rin alam kung kaya kong i-take in ang isasagot niya, pero sa inaakto niya ngayon... parang mas lumalakas na lalo 'yong pakiramdam ko kung ano ang sagot niya sa tanong ko.

"I don't like him for you... Ayaw kong hayaan kang mapunta sa kanya. Mas maraming lalaking mabubuti diyan. 'Yong mas aalagaan ka at papahalagahan ka."

I chuckled softly. 

"Ash... Caiden doesn't like me. He just wants to be my friend. Hindi magkakagusto 'yon sa akin... at hindi mo sinasagot ang tanong ko," sabi ko at bahagyang iginalaw ang mga daliri ko para mahaplos ko ang kanyang pisngi.

"Zern, kapag sinagot ko 'yan. . . alam mo kung ano ang susunod kong gagawin, right?" he whispered meaningfully, na para bang may gusto siyang itumbok.

Napalunok ako ulit nang madiin. Pero imbis na sagutin ko ang sinabi niya, ini-slide ko ang mga kamay ko papunta sa kaniyang batok para marahan siyang hilahin. Niyakap ko siya at sinuklian niya 'yon nang maigi.

Napapikit ako at pinakiramdaman ang init ng katawan ni Ashton. Humugot ako ng malalim na paghinga. 

Maybe the answer to my question was better untold. Hindi ko na kailangang malaman kung gusto ba ako ni Ashton. Kaibigan ko siya... ayaw ko nang mas maging komplikado ang mayroon kami.

Mas marami akong dapat atupagin at isipin kaysa pagtuunan ng pansin ang nararamdaman ni Ashton para sa akin. Hindi niya rin magawang sagutin ang tanong ko. 

Binigyan din ako ng senyales na hindi na kailangan ng sagot ang tinatanong ko. Either way, wala rin namang mangyayari. Mas magiging magulo lang ang lahat.

It would be hard for me, for Ashton, and Leroy. Eventually, may maaapektuhan na ring iba. My mental health, my relationship with other people—including my family, my studies, and my work. Everything I was holding would be affected by it.

Marahan ko ulit iginiya ang mukha ni Ashton paharap sa akin. Napangiti ako at hinipo muli ang kaniyang magkabilang pisngi. Para akong malulusaw sa paninitig niya. I love Ashton. . . hindi ko hahayaang mawala siya sa akin. I will never let these passionate eyes that look at me so deeply be gone. Hindi ko kayang ilagay sa pedestal ang relationship namin para lang masagot ang tanong ko.

"I love you, Ashton. Love na love kita. Sana 'wag kang magbabago. 'Wag mo akong iiwanan. 'Wag mo kaming iiwanan ni Leroy. Ayaw kong maisip mong pinagpapalit ko kayo or ikaw. Ikaw, si Papa, at si Kuya lang ang mga lalaking mahal na mahal ko. Whatever would be my decision in my life, I hope you'll support me. Next time, 'wag mo na akong pagtataasan ng boses, hmm?" I whispered so softly.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon