Chapter 43: Confused & Closeness
#DittoDissonanceWP
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman habang nakatingin sa nakaiwas na mukha ni Caiden. Did he just say... he wanted to hang out with me?
Ha! Bakit naman? Ano'ng nangyayari?
At bukod pa ro'n, hindi ko alam kung bakit siya umurong palapit sa akin. Muntik na magkadikit 'yong tuhod at hita namin. Baka makuryente ako sa gulat. Bakit ba siya ganito? Bumabawi pa rin ba siya?
After ng no'ng nangyari sa shower area, hindi ko alam kung bakit niya nagagawang maging casual sa akin nang ganito. Tina-try ko na nga lang din maging casual dahil mukhang hindi naman siya apektado. Hindi ko rin alam kung normal ba talagang namumula 'yung tainga at mukha niya. Baka kasi puwedeng naiinitan o nalalamigan lang siya, o puwede ring iritable ang balat niya.
Hindi ko naman puwedeng i-assume na porke namumula ang balat, nahihiya or nagba-blush agad, 'di ba? Kaya hindi ko maintindihan.
Mukha naman kasi siyang casual at parang hindi nahihiya na kung ano-ano'ng tinatanong sa akin. Habang ako, nahihirapang makatingin sa kanya nang deretso dahil paulit-ulit tumatakbo sa utak ko 'yong nangyari sa shower area.
Hindi ko pa rin ma-imagine na nakita ako ni Caiden na nakahubad. Huhu. . .
"Bakit mo naman gustong makipag-hang out sa akin? Wala ka na bang friends. Boring ako kasama," sabi ko at umiwas din agad ng tingin.
Inaabangan ko sa peripheral vision ko kung lilingunin niya ako, at parang umikot nang kaonti ang kalamnan ko nang nilingon niya ako ulit. Patago akong napalunok.
Okay na sana kami ni Caiden after no'ng nangyari no'ng gabing binigyan ko siya ng ice cream, pero putangina talaga, bigla namang may mangyayaring kahihiyan. Bumalik tuloy kami sa pagiging awkward na naman.
"I don't know. Actually. . . after no'ng gabing 'yon, palagi na kitang iniisip," bulong ni Caiden sa mababang boses.
Para akong nalagutan ng hininga saglit sa sinabi niya. At kung paano niya pa 'yon sabihin—para niya akong hinehele sa mababa at mahangin niyang boses. Patago akong napahugot ng malalim na hininga.
Tangina! Ano'ng isasagot ko ro'n? Putangina. Shet. Nagpa-panic 'yong utak ko. Tangina, help. Gagi, ano'ng sasabihin ko?
"You helped me a lot that night. I will always appreciate that. Kahit marami akong nagawa at nasabi sa 'yong hindi maganda, ginawa mo pa rin 'yon. In-appreciate mo pa rin 'yung pagbawi ko sa 'yo kahit alam kong nahihiya ka at hindi ka sanay na gano'n ako ka-casual sa 'yo," bulong ni Caiden at mahina ring natawa.
Unti-unti ko siyang nilingon at magaan na nginitian. That helped ease my mind a bit. Pero hindi ko pa rin talaga maiayos ang utak ko. Naghahalo-halo na. This was way too casual for me. Hindi ako sanay na ganito si Caiden. Plus, hindi natatanggal 'yong hiya ko gawa ng nangyari kahapon.
"I'm glad that I was able to help you. Kaya ba gusto mong makipag-hang out sa akin?" sabi ko at mahina ring natawa.
Nang nakita niyang mahina akong natawa, lumawak ang ngiti niya. Bahagyang nawala ang mga mata niya dahil sa sobrang pagngiti niya. Hindi puwedeng hindi ko purihin ang mukha niya kapag nakangiti siya. He should smile way more often.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
عاطفية𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
