Chapter 63: Starting to Break Apart
#DittoDissonanceWP
Hi, Daris! In case you're not aware, we have a Facebook group. You can check the link in my bio.
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED CHAPTER: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Tahimik akong muling nakikinig sa kuwentuhan nila. Marami-rami na rin akong naiinom. Ramdam na ramdam ko na ang alak sa aking sistema. Ilang minuto na rin ang lumipas mula no'ng naghiwalay kami ng daan ni Caiden.
Pero hindi pa rin nawawala ang init ng ulo ko dahil tingin nang tingin sa table namin ang Georgina na 'yon. Iniisip ko tuloy kung paano papasok sa trabaho si Caiden bukas. Kung ako siya, parang hindi ko kayang makitungo sa ganyang mga tao.
Mukhang okay naman sila dahil wala namang naging problema si Caiden sa mga katrabaho niya before. Kaya hindi ko in-expect na may biglaang ganitong eksena.
Although hindi na rin siguro nakakagulat, guwapo si Caiden. Imposibleng hindi siya matipuhan. Mukhang matagal nang kinikimkim 'yong kaharutan. Ang problema nga lang, palagi pa siyang binabastos. Nakakairita.
Gusto ko nga rin sanang samahan si Caiden, kaso kailangan ko pang makisama rito sa mga ka-work ko. Hindi ako puwedeng basta umalis.
Kaya nagwo-worry ako, sana okay lang naman siya. Hindi naman siya na-trigger or kung anuman. At the same time, kahit nagwo-worry ako, nakikihalo 'yung irita at alak sa sistema ko kaya hindi ko rin magawang mag-chat sa kaniya. Kung puwede lang iuntog na lang sa pader 'tong Georgina na 'to, e.
"O, Zern? Kanina ka pa tahimik. Ready ka na bang ikuwento sa amin 'yong nangyari paglabas mo kanina?" sabi ni Tita Joana saka uminom sa whiskey na hawak niya.
Mahina akong natawa. "Hindi na po siguro, Tita Joana. Baka mainis lang din po kayo. Mas magandang itawa na lang natin."
"May tumayong babae do'n sa table ng Ginto's, eh. Umalis din 'yong lalaking nagsusundo sa 'yo palagi. 'Yon ba 'yong jowa mo?" sabi ni Jopay.
Ayaw ko sanang sumagot kaso nakatingin silang apat sa akin at wala rin naman sigurong problema kung ikukuwento ko sa kanila. Nakakahiya rin na kanina pa ako tahimik tapos sila kuwento nang kuwento.
Humugot ako ng malalim na hininga saka tumango. "Oo, si Caiden. Sumasandal kasi 'yong katrabaho niya sa kanya at humahawak pa sa braso. 'Yon 'yong nakita ninyong sumunod sa akin no'ng sinundan ko si Caiden."
"Eksena!" singhal ni Erica. "Oo, kilala namin 'yon ni Jopay. Buwisit talaga 'yang babaeng 'yan. Ang kuwento pa nga, na-meet lang 'yan n'ong kabit ng asawa ni Tita Joana sa bar, in-offer ang mag-work sa coffee shop. Wala namang problema kung sex worker siya, ang problema, nadadala niya 'yong habit," dagdag niya.
"Georgina 'yong pangalanniya, 'di ba? 'Yon 'yong naalala ko," sabi ni Jopay.
"Oo, teh. Georgina 'yon. Ampangit ng pangalan," sabi ni Erica bago nilagok ang whiskey na nasa shot glass.
"'Tapos, ano'ng nangyari, Zern?" sabi ni Tita Joana.
Napalunok ako at muling napabuntonghininga. "Uh... tapos ayon, sinabihan daw ni Caiden na 'wag sumandal sa kanya. Itong boss naman, umeksena rin, hayaan lang daw si Georgina na sumandal sa kanya. Kahit sinabi na ni Caiden na hindi okay sa kanya, nag-defend pa rin 'yong Georgina na wala namang problema sa pagsandal niya kay Caiden."
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
