Chapter 24

32.9K 1.1K 722
                                        

Chapter 24: Karma has Arrived

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Nagkwentuhan lang kami ni Ashton kagabi ng kung ano-ano habang kumakain ng ice cream na libre niya. Palagi naman niyang libre. Cute nga ni Ashton, nakita niya lang kanina na nase-stress na ako, gumawa agad siya ng way para ma-cheer up ako.

After no'n, hinatid din ako ni Ashton pabalik sa dorm. Wala na rin akong masyadong ginawa kaya after kong maghilamos at mag-toothbursh, tumulala lang ako sa kisame saglit pagkahiga ko saka nakatulog na rin agad.

Kinabukasan, nagising ako sa boses ni Leroy pati ni Mishael. Naniningkit pa ang mga mata ko sa antok pero naaninag ko si Leroy na nakaupo na sa pwesto niya. 

Umungot ako at nagtaklob ng kumot. Inaantok pa ako putangina. Gusto ko tingnan 'yong oras o itanong kay Leroy kung anong oras na. Kaso wala akong lakas pa. Gusto ko pa matulog.

"Huy, Zern. Alas-sais na. Gumising ka na! Nag-aaya si Mishael mag-almusal sa convenience store diyan." Hinampas ako ni Leroy sa hita. "Hindi ko pa tinatawagan si Ashton dahil tulog ka pa. Hari ka na naman niyan, hihintayin ka na naman namin," rinig kong sabi niya pero antok na antok pa ako para sagutin siya.

Hinila ni Leroy ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko at pinaghahampas ako nang mahina na parang tambol sa hita.

"Gising na! Sige ka, makakasabay mo sa hallway si Caiden!" sabi ni Leroy pero hindi ko pa rin siya pinapansin. 

Inaantok pa ako!

Hindi gumagalaw 'yong katawan ko pero gising na ako. At kapag tinigilan ako ni Leroy sa kakagulo niya, makakatulog agad ako panigurado.

"Pabayaan mo na lang muna siyang matulog, Leroy." It was Mishael. "Tawagan mo na lang si Ashton tapos tayo na lang ang mag-almusal. 'Wag na nating istorbohin 'yang si Zern. Kuwento mo sa akin 'yong sinasabi mong ginagawa niya sa club."

Napadilat ako nang wala sa oras para tingnan si Leroy na mukhang inaabangan ang reaction ko. Humalakhak agad siya nang sinamaan ko siya ng tingin. Itong bading na 'to, mukhang siya pa ata magsasabi kay Mishael na fairy ako. Sa sobrang kadaldalan nito ni Leroy, hindi na lang ako magugulat na alam na ni Mishael.

Nakikitawa rin si Mishael sa kaniya kaya nag-unat na ako para magising na 'yong katawan ko. Baka kung ano pa ang masabi nito ni Leroy kay Mishael. 

Hindi ako natatakot malamanni Mishael na hindi ako straight, tinatamadlang akong sabihin. Saka bakit ba? Hindinaman kasi kailangang sabihin. Hindi siya necessary kumbaga kaya hindi ko na rin nabi-bringup.

"Tamo, gigising ka rin!" sabi ni Leroy at tinaasan pa ako ng kilay.

Patago ko siyang inikutan ng mata. "Kung ano-ano na naman ang kinukuwentomokay Mishael. Baka mamaya isipin niyang masama akong tao," singhal ko sa kanya.

"Baliw, wala akong kinukuwento sa kanya! Ikaw 'ata nagkuwento sa kanya ng tungkol sa club. Inaasar ka lang din niya para bumangon ka na dahil alas-sais na!" sabi ni Leroy.

Nilingon ko si Mishael na mukhang nakapaghilamos at nakapag-toothbrush na. Ready na siyang umalis. Mukhang ako na nga lang ang hinihintay nilang dalawa plus si Ashton na tatawagan kapag nagising na ako.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon