Chapter 20

37.5K 1K 218
                                        

Chapter 20: War was Approaching

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025] 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"Bakit maliligo ka ulit, Mags?" Echo asked while we were walking.

Alas-tres ng hapon nang naisipan na naming umalis sa pinagtatambayan namin. Bumili na nga ulit ng pagkain si Titus para sa amin at naubos na rin 'yon. Kung saan- saan na napunta ang topic namin. Ang pinakanaalala ko talaga ay pinagtatawanan namin ang bading na 'yon. Kaya kung hindi pa rin talaga siya titigil, hindi ko rin siya titigilan at pagtatawanan lang namin siya.

Though, I doubt it. Baka tumigil na 'yun. Mukha naman siyang masipag mag-aral. Typical student. Baka mag-focus na 'yon sa pag-aaral niya kaysa atupagin ang pagganti sa akin. Which is good. That bigot finally found his place, and that is to be fucking far away from me.

"Oo, gago. Ang init kaya. Saka, sapat na ba sa 'yong maligo nang isang beses? Kaya pala may mabaho," sabi ni Magnus.

Mahina kaming natawa ni Titus sa likuran nilang dalawa. Nagkatinginan pa kami at sabay na napailing. Papunta kami sa room nilang dalawa para tumambay ulit. Wala namang gagawin.

May klase kasi si Magnus nang alas-kuwatro at alas-sais pa matatapos'yon. Hindi nasakop sa excused 'yong klase niya dahil masyado nang hapon. 

Nag-aaya rin naman si Echo na mag-mall. Bibili raw siya ng damit niya. 

Parang gusto ko ring mag-shopping ng damit ko para ngayong sem since hindi ko na-pack 'yong iba kong panlakad. Kapag umuwi ako para kumuha ng damit, papagalitan lang ako ni Mommy. Sasabihin niyang ipangka-club ko lang, which was half true. Kaya mukhang tutuloy kami sa mall after mag-prepare ni Magnus. 

Hindi ko alam kung bakit namin kailangan samahan si Magnus mag-prepare. Nakasanayan na siguro namin na palaging naghihintayan at sumasama sa bawat isa kahit anuman ang gawin. 

Maybe that's our language of showing care. I guess? 

Hindi ko naman gaano alam kung paano magpakita ng care. Nahihiya ako kapag nagiging caring ako.

"Echo, tuloy ba tayo sa mall?" tanong ko pagkapasok namin sa room nila.

Tumango siya. "Oo, p're. Bibili ako ng mga damit ko. Alam kong bibili ka rin," sabi niya at mahinang tumawa.

"Oo, bibili rin ako. Sana lang, hindi ako pagalitan ni Daddy dahil makikita niya 'yong gastos sa credit card ko. Alam naman niyang every sem, bumibili ako ng bagong damit para may susuotin ako," sabi ko at umupo sa kama ni Echo, gano'n din ang ginawa ni Titus.

"Ako rin, baka bumili ako ng sling bag. Wala akong panlakad din na bag. Puro backpack gamit ko," sabi ni Titus.

"Ayos, sakto pala. Wala naman tayong gagawin din. May klase si Magnus tapos tayo tatambay lang dito. At saka mamaya na rin 'yung bukas ng perya. Nagbubukas 'yon kapag nagsisimula na 'yung sem ng mga university dito. Sana may chix," nangingiting sabi ni Echo at naupo sa upuan ng study table niya.

"Pero tuloy 'yong club natin mamaya, ah? Gusto ko na talagang makipag-hook up," sabi ko at hinubad ang sapatos ko para maka-half lay down. Kinuha ko ang unan ni Echo at 'yon ang sinandalan ko.

Tumango si Echo. "Oo, p're. Gusto kong mag-inom. Ano bang oras ang klase ninyo bukas? Tangina, ako alas-diyes ng umaga. Tanginang schedule 'yan," singhal niya.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon