Chapter 6: Failing to Escape
#DittoDissonanceWP
Don't forget to vote for this chapter! Thank you <3
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Umuusok ang ulo ko sa sobrang irita. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang nakaupo sa Tafiti's Cafe. Ako at 'yong dalawang mag-jowa lang sa dulo ang nandito, which was good! Wala akong pasensiya sa maingay.
Putangina no'ng Caiden na 'yon!
Anong akala niya sasambahin ko siya dahil lang guwapo siya? Oo, siguro, kung naka-activate 'yung kabadingan ko. Pero kung gano'n 'yong ugali niya, 'wag na lang, uy!
Gago siya! Ang kapal ng mukha niya.
Gusto ko siyang sakalin kanina. Kahit nakaka-distract 'yung mukha niya, nanaig ang inis ko—which was rarely! Kasi palagi akong nadi-distract ng pogi, pero 'yong moment na 'yon, gusto ko na lang siyang tusukin ng maraming tinidor sa likod. Nakabaon! Putangina niya.
Tinawagan ko na sina Ashton na dumeretso na rito sa Tafiti's Cafe dahil wala na akong balak bumalik do'n sa ramen place na 'yon. Nanggagalaiti ako sa galit. At baka um-order ako ng bagong lutong ramen para lang itapon sa mukha ng putanginang homophobic fucking shit na 'yon. Gago siya!
"Customer Zern!"
"Paki-stay lang po diyan, tinatamad po ako kuhanin. Papunta na po 'yung kaibigan ko, papakuha ko po sa kaniya," sabi ko at halatang naiinis ako sa tono ng boses ko.
"Ay, ako na lang po, Sir," sabi no'ng babae kaya kahit papaano ay nakabawas 'yon sa irita ko.
Pero alam kong kahit hanggang mamayang matulog ako, hindi pa rin maaalis 'tong galit ko sa lalaking 'yon. Knowing na pader lang ang nagse-separate sa amin. Bwisit siya!
Nilapag niya sa lamesa ko ang in-order kong Spanish latte at simple lang akong nagpasalamat bago lumipat ang mga mata ko sa labas nang huminto na ro'n ang kotse ni Ashton.
Pagpasok nila, takang-taka sila sa galit na galit kong mukha. Umupo sila sa kaharap kong mga upuan.
"Ano'ng nangyari, bakit galit na galit 'yang mukha mo?" malambing na sabi ni Ashton, halatang nag-aalala.
Napapikit ako sa sobrang galit ko.
Baka 'pag nagsalita ako maging pasigaw'yong boses ko. Hindi ko kayang hinaan ang boses ko sa lagay ko na 'to. Gusto kong ibunton 'to sa Caiden na 'yon. Tangina talaga niya. Hindi ko makakalimutan 'yong lahat ng sinabi niya. Gusto ko siyang bawian. Sunugin ko 'yong mga gamit niya or pasabugin ko 'yong kotse niya kung meron man. Gano'ng eksena.
"Inumin mo muna 'tong kape mo, baka kumalma ka na. Sabihin mo sa amin kung kaya mo nang magsalita." Leroy chuckled, somehow terrified. "Grabe, ngayon lang kita nakitang ganyan kagalit."
Siya na ang naglagay ng straw sa drink ko saka 'yon iniabot sa mismong kamay ko.
Sinunod ko siya at ininom na lang muna ang kape ko. Halos makalahati ko 'yon agad sa sobrang bilis kong uminom. Padabog ko 'yon na nilapag sa lamesa bago humugot ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romansa𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
