Chapter 21: War Karma
#DittoDissonanceWP
Daris! Don't forget to vote. Thank you!
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Alas-siyete na rin nang makarating kami sa perya.
Medyo matagal din pa lang kumilos si Mishael kaya halos inabot din siya ng mga bandang 6:20 bago natapos kumilos.
Galing na kami rito kanina, kaso no'ng bibili sana kami ng potato tornado, saka lang niya napansin na wala 'yong wallet niya kaya bumalik pa kami sa dorm.
Sa kasamaang palad, may demonyo kaming nakasalubong. Akala ko mamaya pang alas-tres ng madaling araw ang hell hour, bakit may demonyo agad na una sa attendance at alas-siete pa lang ay nandito na siya sa lupa.
Umusok ang ilong ko sa ginawa niyang pag ngiwi kay Mishael. Sa lahat ng naging roommate ko sa entire semester ko simula first year ako, si Mishael lang ang pinaka mabait at hindi homophobic. He's like Ashton. He's my friend. Naiirita ako na gano'n ginawa niya kay Mishael porket naging friendly siya. Gano'n din ginawa ko no'ng nasa ramen place. And what did I get? Tanginang lalaki 'yan. Bobo amputa.
"Salamat po," sabi ni Mishael pagkakuha ng order naming potato tornado saka inabot sa akin ang isa.
Mabagal kaming naglalakad sa kahabaan ng perya, marami-rami ring tao pero banda sa nilalakaran namin ay kaunti lang dahil malapit 'to sa entrance at exit. Mas maraming tao banda sa tiangge, rides, at kainan.
"Pasensiya ka na ro'n sa lalaking 'yon, gano'n din ang ginawa sa akin n'on no'ng tinry kong makipagkaibigan sana," sabi ko at nilingon siya na hinihila mula sa stick ang potato.
He chuckled, shook his head.
"It's fine. Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya para sa kanya. I can ignore him. I was just trying to be nice. Kung gano'n siya ay wala namang problema. I have my own friends," Mishael said.
Napanguso ako. "Wala lang. Naisip ko lang na parang na-shut off 'yong pagiging kind mo. Naka-relate lang din ako since gano'n din ang nangyari sa akin," sabi ko kaya nilingon niya ako.
"It's fine, Zern. Thank you," sabi ni Mishael at ngumiti sa akin.
Well, it was okay now. Mukhang okay naman siya.
Naisip ko lang na i-comfort siya saglit since nakakalungkot 'yong gano'ng feeling. Bobo lang kasi talaga 'yong Caiden na 'yon. Hindi man lang marunong maging mabait kahit minsan.
Siguro gano'n din siya sa mga kaibigan niya. Kapag malungkot ang kaibigan niya, sabihin lang niya 'okay lang 'yan, p're,' kasi hindi siya marunong mag-comfort sa kasamaan ng ugali niya.
Marami pa siyang dalang paper bag kanina ng mga branded clothing stores. Halatang spoiled brat. Lahat siguro ng gusto no'n nasusunod kaya gano'n kataas tingin niya sa sarili niya. Okay lang naman sana maging proud siya sa mukha niya dahil wala namang hindi sasang-ayon kapag sinabi niyang gwapo siya.
Sana dumating 'yung araw na siya naman 'yung maghahabol at kailangan niyang maging nice para lang makuha niya 'yung gusto niya. He needs some humbling down.
Kung mayaman lang din ako, baka sampalin ko siya ng isang milyon tapos naka-brief case. Pero isasampal ko lang sa kaniya 'yung briefcase pero akin pa rin 'yung laman. 'No sya, gold?
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
