Chapter 4: Meeting Dissonance
#DittoDissonanceWP
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: MAY 2024]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
'Paglabas namin ng building ay may humintong Fortuner na puti sa tapat namin. Sina Leroy na 'to. Napatigil din si Mishael kaya hinarap ko na siya.
"Ito na 'yung mga kaibigan ko. Ingat ka. Enjoy kayo ng jowa mo," sabi ko 'saka siya matamis na nginitian.
Napa-side eye na ako dahil bumaba na si Leroy sa kotse, at kaiikot pa lang ni Ashton mula sa driver's seat papunta sa amin. Issue na naman 'tong bading na 'to. Sinabi ko lang kanina na mabait, iisipin niya type ko na.
To be fair, malandi lang talaga akong bading sa isip ko. Casual na mahilig sa pogi at malaking biceps. Pero hindi naman ako patol-patol at kung sino-sino na lang. Bading lang pero mabuting bading pa rin naman. Tingin pa lang kasi ni Leroy alam ko na.
Nagpaalam lang din sa akin si Mishael bago naglakad palayo. 'Saka ko na hinarap 'tong si Leroy na nanliliit pa ang mga mata kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Ang soft girl mo ro'n. Hindi ka halata," sabi niya at humalakhak.
"Tangina mo. Mabait 'yon at saka hindi niya ako jina-judge. Akala niya straight ako, at okay lang naman. Wala namang problema. Hindi na niya kailangan malaman na bading ako," sabi ko at hininaan ang huli kong sinabi.
Binalingan at kinawayan ko si Ashton. "Hi, Ashton! Pogi mo naman. Sama ka, kakain kami?"
Tumango si Ashton. "Oo, layo ng pinunta ko. Ito kasi si Leroy, feeling hindi alam mag-commute. Kaso naisip ko, dito na lang din ako matutulog sa dorm ko. Papasok na rin naman bukas," sabi ni Ashton at sabay kaming napangiwi kay Leroy.
"Siyempre, princess treatment. Ako kaya 'yung prinsesa sa ating tatlo. Hindi ninyo ba napapansin na ako 'yung pinaka mabango sa ating tatlo?" Sabi ni Leroy at ngumiti pa na parang pang-Miss Universe.
Napangiwi ako. Grabe 'tong bungad ni Leroy. "Siraulo ka pala talaga, 'no? Thank you sa pag-confirm, ha? Naiintindihan ka namin, beh. Okay lang 'yan, hindi mo na 'yan malalampasan," sabi ko at tumatango-tango pa bago siya tinapik sa braso.
"Sus. At least ako, natutubigan kaysa naman sa 'yong tuyot na tuyot na," sabi ni Leroy 'saka ako dinilaan.
"Pinagmamayabang mo 'yan, ampapangit naman ng nakahu-hook up mo. Okay ng walang dilig, at least ako may taste at hindi ako basta-basta pumapatol sa kung sino-sino," sabi ko at dinilaan din siya. Barda talaga ang love language ng mga tao sa buhay ko, 'no?
Magsasalita na sana si Leroy pero inunahan siya ni Ashton.
"Akala ko ba nagugutom ka na, Zern? Nag-aaway na naman kayo agad," sabi ni Ashton habang deretsong nakatitig sa akin.
Inirapan ko si Leroy 'saka muling binalingan si Ashton. "Tara na, saan ba tayo kakain?" Sabi ko at nginitian si Ashton.
"Hmm, since may nakita kaming ramen place kanina, doon na tayo. Mukhang bago lang dahil wala naman 'yon no'ng last semester," sabi ni Leroy at napanguso.
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Nagtabi kami ni Leroy sa backseat para ikuwento ko sa kaniya 'yung nangyari kanina. Maayos naman kausap si Leroy, mas madalas nga lang na parang may turnilyong naalis sa bunbunan niya kaya kung ano-ano ang pinagsasasabi.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romansa[BOYS' LOVE] (REVISED VERSION: MAY 2024) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ They say life is about compatibility. When you are pai...