Chapter 70 Part Three: To End and to Hope
#DittoDissonanceWP
Read this: Hello, I'm sorry for taking so long to write this last part. This is VERY long, so I'm expecting you to read this thoroughly and understand it carefully.
Please, DON'T FORGET TO VOTE FOR THIS CHAPTER!
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Nakatulala lang ako sa mga kamay kong nakapirmi sa unan na nakapatong sa hita ko. Humupa na ang pag-iyak ko. At kani-kanina pa natapos ang pag-uusap namin ni Leroy, pero hindi ko pa rin ma-function nang mabuti ang nangyayari.
Ito ba 'yung hard way na sinasabi ni Tristan?
Alam ko at inaasahan kong may puwede siyang gawin, pero hindi ko inaasahang ganito kabigat 'yung magiging epekto sa akin.
Ang sikip ng dibdib ko. Parang bawat segundong tatakbo sa isang araw ma-anxious ako. Parang hindi ko alam kung anong dapat maramdaman.
Takot? Kaba? Panic?
'Pagkababa ng tawag kanina, chineck ko rin kasi agad 'yung forum kung may sinasabi sila tungkol sa nakita nilang post. At sa bawat pag-scroll ko, nanginginig ang daliri ko sa mga nababasa kong masasakit na salita. Kung ano-anong sinabi nila kay Caiden pati sa akin.
May mga nabasa akong kaya lang naman nila sinusuportahan si Caiden noon dahil baka may chance silang mapansin ni Caiden at magkaroon ng chance sa kanila, pero ngayon malalaman daw nila na pumapatol daw pala siya sa lalaki.
Marami pa akong nabasang homophobic remarks sa mga naka-anonymous. May mga mura pa nga silang sinabi sa akin—na layuan ko raw si Caiden at nakadidiri raw ako. Maraming pambabatikos kay Caiden, pero mas marami sa akin.
Sino ba raw ako. Magkano raw ang binibigay ko kay Caiden? Ano raw ang binigay ko kay Caiden para pumayag siyang makipaghalikan sa akin.
Nag-resurface na rin sa forum, sinasabi nilang madalas nila kaming nakikita ni Caiden na magkasama. Hindi naman daw nila ginawan ng issue, pero totoo pala 'yung hinala nila.
Inisip lang daw nila no'ng una na magkaibigan lang kami ni Caiden, pero kalaunan napapansin nilang ibang-iba na raw.
Hindi naman kami sobrang sweet ni Caiden sa campus. Pero mukhang may times na may nakakikita sa amin kapag nagkaroroon kami ng moment—na akala namin walang nakakikita.
Kung hindi pa ako pinigilan ni Caiden, tuloy-tuloy lang ang pagbabasa ko. Inilayo niya sa akin ang phone ko kanina kaya nakatulala na lang ako ngayon habang si Caiden naman ay nasa CR.
Humugot ako ng malalim na paghinga at sinusubukan pa rin pakalmahin ang sarili. Hanggang sa lumabas na sa CR si Caiden.
Napalunok ako nang nagkasalubong ang mga mata namin. He looks frustrated. Kahit nakapaghilamos na siya, parang hindi napawi ng tubig ang kung anuman ang nararamdaman naming dalawa sa bumungad ngayong umaga.
Pinanood ko siyang sinampay ang tuwalya niya malapit sa bintana. Muli kaming nagkatinginan matapos niya 'yon gawin. Binasa ni Caiden ang mga labi niya bago muling humugot ng malalim na paghinga 'saka bumalik sa tabi ko.
Pagod ang mga mata kong nakatingin sa mukha niya at gano'n din siya. Ni hindi namin alam parehas kung ano ang pag-uusapan o kung ano ang dapat sabihin sa isa't isa.

BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance[BOYS' LOVE] (REVISED VERSION: MAY 2024) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ They say life is about compatibility. When you are pai...