Chapter 30

37.7K 1K 683
                                        

Chapter 30: Settling Over or What?

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Ashton, Leroy, and I walked slowly across the school grounds.They stayed silent, leaving me at a loss for words.

Patago lang din akong bumubuntonghininga dahil sa nangyari kanina. Naiinis ako na hindi ko alam kung anong mararamdaman. 

Tinapangan ko lang kanina kaya ko 'yon nasabi lahat kay Caiden, pero gusto ko na ngang umiwas. And in the first place, 'yon din naman ang dahilan kung bakit ko sinabihan si Jopay tungkol sa kanya.

At first, I was annoyed. But now, as the three of us walked quietly under the cold night, I found myself being swept away by the stillness around us.

Hindi ko na tuloy alam kung ano'ng mararamdaman. Sabog-sabog 'yong nasa isip ko. Kailangan ko na sigurongmagpahinga. Gagawa na lang ako ng resumebago matulog. Gusto ko ring matulog nang maaga ngayon.Mukhang mas mabuti 'yon.

"Sorry, Ashton." I sighed deeply. "Muntik ka pang mapaaway. Hindi ko alam na maririnig ni Caiden—hindi ko rin inaasahang magiging gano'n ang reaction niya." 

Sa gilid ng isip ko, baka pabor din naman sa kaniya na hindi ako maka-work.

"It's fine, Zern." Ashton looked at me tiredly, clenching his jaw. "I just felt completely drained, just from trying so hard to hold my anger back all the time—ang hirap kapag may unexpressed emotion, naapektuhan 'yong mood ko." 

He added. "Gusto ko na nga siyang kuwelyuhan kanina dahil para ka na niyang itutulak." 

Patago akong bumuntonghininga. 

"Hindi ko alam. Kahit anong gawin kong iwas, palagi ko pa rin siyang nami-meet—which is understandable dahil nasa iisang area lang naman kami—magkatabi pa 'yong room namin, at magkasama pa kami sa org. Kahit anong iwas ko, palagi kaming pinaglalapit." 

Leroy cleared his throat. "Siguro... limitahan mo na lang mag-react nang harshly, Zern. Kung palaging pagalit ang sagot niya, ibahin mo 'yong iyo—maging formal ka. Pero hindi ibig sabihin na hindi ka magagalit—you can be mad—hindi mo lang ipapakita sa kaniya para maiwasan na 'yong gulo. Para hindi ka na rin ma-conscious kasi mas naiintindihan mo kung ano ang dapat gawin."

I pouted, sighing frustratingly again. "Naiinis kasi agad ako, Ler. Alam mo namang hindi ako sanay sinisigawan at tinatrato nang gano'n." 

"Well... maybe it's time na ikaw na lang 'yong maging bigger person para sa mga taong katulad niya." Leroy shrugged. "Para naiiwasan na 'yang away na 'yan. Kasi tama si Ashton, nakaka-drain din sa part namin since nakikinig kami sa 'yo—at aware kami sa nangyayari—involved kami since we care about you." 

Leroy continued. "Kasi paano kung lumala? Paano kung mapaaway talaga si Ashton? Eh, kilala mo naman kung paano magalit 'yan. Paano kung may mangyaring masama kay Ashton?" 

That made me silent. 

Kasi paano kung mapaaway nga si Ashton? 

Ilang beses nang napapaaway si Ashton dahil sa amin ni Leroy. Palagi niya kaming pinagtatanggol kahit na anong mangyari—at paano kung, this time, may mangyari ngang masama sa kaniya dahil sa akin? Dahil hindi ako nagiging bigger person kaysa kay Caiden?

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon