Chapter 31

18.6K 631 431
                                    

Chapter 31: Starting to Get Coffee

#DittoDissonanceWP

magsisimula na ang exciting part muahaha \^o^/

don't forget to vote <3 tysm

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Napatigil ako sa kinikwento ko kay Leroy nang napatingin siya sa court at agad na nangunot ang kaniyang noo. Nakanguso ko rin 'yong nilingon at kusa ring nangunot ang noo ko nang nakita ko si Caiden na nakikipag-usap kay Ashton.

'Wag niyang sabihing si Ashton naman ang sisimulan niya ngayon? This guy never knows when to stop din, 'no? Sana naman hindi sila mag-away. Hindi pa naman 'yan magpapapigil si Ashton kapag sinimulan na siyang i-provoke. Kung may mangyari, ako ang lalapit do'n para pigilan sila.

"Bakit sila nag-uusap?" sabi ni Leroy.

Napabuntonghininga ako. "Hindi ko alam. Hangga't wala naman nangyayari, mukhang wala namang masamang nag-uusap sila. Sana lang hindi 'yan ulit pagmulan ng kung anuman," sabi ko.

"Hay nako, duda ako. Ang yabang-yabang ni Caiden. Naiinis pa naman si Ashton sa mayayabang. Paano kung magkainitan sila sa laro, tapos pagmulan ng away? Paano kung matanggal si Ashton sa org dahil lang sa bwisit na Caiden na 'yan?" sabi ni Leroy.

Sana hindi naman. "Hindi naman siguro. Dahil ako ang aaway kay Caiden mismo," sabi ko.

Dahil sa nakita namin ni Leroy, hindi na kami nakapagkwentuhan ulit. Binabantayan namin ang pag-uusap ng dalawa. Nagkasalubong ang mga kilay ko nang iabot ni Caiden kay Ashton ang bola at ishinoot naman 'yon ni Ashton.

May sinabi si Caiden ulit na kung anuman bago niya kinuha ang bola na shinoot ni Ashton at siya naman ang pumwesto sa three-point line. Tulad ni Ashton, na-shoot din ni Caiden ang bola. Nagkatinginan silang muli pero wala ng usap ang naganap.

Hindi naman sila mag-aaway, no? Bakit ba kasi sila nagtitinginan nang gano'n? Inaalay ba nila 'yung shoot nila sa isa't isa, gano'n? Keme. Pero. . . bakit ba sila nagtitinginan? Sana hindi naman 'yan pagmulan ng init sa court. Sa tuwing naalala ko 'yung sinabi ni Leroy kagabi, naba-bother na ako lalo kay Caiden. Ayaw kong mapa'no si Ashton.

Tumayo na ang Coach nila at pumunta na sa court. Bumilog na silang lahat at nasa gitna ang Coach. May kung ano-anong sinabi si Coach sa kanila bago nagsimula ang stretching. Magkatabi si Ashton at Caiden sa bilog. Hindi ko alam kung anong binabalak nito ni Caiden. Kinakaibigan niya ba si Ashton? Ano bang mayroon? Hindi talaga ako mapakali. Naba-bother akong magkadikit sila ngayon.

After ng stretching nila at ng kung anupamang eksena, nagsimula na silang maglaro. Nagfo-form na sila ng team. Nahuli ko na namang nag-uusap sina Ashton at Caiden. Umiling si Ashton at tumango naman si Caiden 'saka sila naghiwalay ng gawi. Pumunta sa kabilang team si Ashton at pumunta naman si Caiden sa isa pang team. Baka inaaya ni Caiden si Ashton sa team niya, kaso ayaw ni Ashton?

Nagsimula na ang game sa isang jump ball. Dahil silang dalawa ang matangkad, sila ang nasa gitna ng court para mag-agawan sa bolang ibabato ni Coach. Bumuntonghininga ako habang pinapanood silang magkatinginan. Kinakabahan ako! Putangina naman. Ambigat ng dibdib ko sa kaba. Gusto ko ng matapos ang try-outs nila para mabawi ko na si Ashton diyan.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon