Chapter 70 Part One: To End
#DittoDissonanceWP
Read this note: Hi! Thank you for reaching the Final Chapter of this story. Thank you so much for reading Ditto Dissonance, and for joining me as I write the story of Caiden and Zern.
Chapter 70 will be divided into two dahil masyado itong mahaba at mao-overwhelm kayo sa information.
Please read this chapter very well. Enjoy and don't forget to VOTE! <3
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Natapos ang unang araw ng pictorial. Hindi man pumanig sa org namin ang nangyari, pero ang mahalaga'y nairaos ito.
Matapos ang pag-uusap namin ni Caiden, mas naging confident siya sa individual pictorial. Mukhang sinunod niya ang sinabi kong tuwing nape-pressure siya at maraming sinasabi sa kanya, boses ko lang ang pakinggan niya.
Magaan pa sa magaan sa pakiramdam na nagawang matapos ni Caiden ang dalawang photoshoot na kailangan niyang gawin ngayon. Hindi man naging maganda ang simula nila, naging maayos naman no'ng kinukuhanan na sila para sa school uniform attire.
Kahit papaano ay napuri din siya at si Patricia. Dahil do'n, mas lumiwanag ang mukha niya at alam kong mas pagbubutihin niya pa sa mga susunod na araw ng photoshoot.
Kailangan lang talaga ni Caiden ng maniniwala sa kaniya. Masyado na siyang naging mag-isa mula no'ng isinarado na niya ang sarili niya sa mga tao. Mabuti at dahan-dahan na niya ulit natututuhan tumanggap at magbigay. Ang pinakamahalaga ro'n, hindi na lang siya nagbibigay, kundi nakatatanggap na rin siya.
Naglalakad pa lang kami ni Caiden papunta sa Tafiti's ng alas-sais. Alas-singko nga ang pasok namin, pero alam naman nina Jopay na may ginagawa kami ni Caiden.
Tahimik lang ako habang naglalakad kami. Kahit natapos na kasi ang unang araw ng pictorial, may naiwan pa ring bigat sa dibdib ko. Hindi ko pa gaanong ma- process na ang dami kong kailangang tanggapin sa isang araw lang.
Naubos agad 'yong energy ko para sa buong linggo.
Pero hindi na bale, kailangan kong maging malakas para kay Caiden. Wala siyang masasandalan kapag kinabahan na naman siya. Naniniwala naman akong dahan-dahan niya ring mao-overcome ang nararamdaman niya at mas magiging confident na rin kalaunan.
Napatingin ako kay Caiden nang hinaplos niya ang pupulsuhan ko. Pagod akong ngumiti sa kanya. Namumungay ang mga mata niya at bakas na rin sa mga ito ang pagod.
Pero kailangan pa rin naming magtrabaho.
"Okay lang ang love ko?" Caiden said softly.
Marahan akong tumango saka mas nilawakan ang ngiti ko. "Uh-hmm. Napagod lang din ako sa kailangan kong i-process ngayong araw. Pero ayos lang, masaya naman ako na naitawid ninyo 'yong unang araw ng pictorial."
Caiden sighed deeply. Unti-unting bumagal ang paglalakad niya hanggang sa tuluyan nang tumigil.
I raised my brows. "Bakit, love?" I said softly.
Hinagilap niya ang mga kamay ko habang nakatitig nang deretso sa mga mata ko. Seeing him like this, makes me want to leave everything behind and just to be with him. Wala na talaga akong hihilingin pa, kundi ang makasama si Caiden parati.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
