Chapter 9: Worst Scenario
#DittoDissonanceWP
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
"Oh! Nakaka-miss makita 'tong road na 'to na puro nightclubs! Ang sakit sa mata ng ilaw pero... pagpasok naman sa loob, party-party!" sabi ni Leroy habang nakatingin kami sa labas mula sa kotse.
Napangiti rin ako dahil sa sinabi niya. Nakaka-miss talagang pumarty, shet na shet talaga. Ang tagal kong nakatengga. Walang nakaka-hook up. Walang party. Puro 'tong dalawang'to 'yong kasamako o hindi kaya 'yong mapang-asar kong pamilya.
Mahalaga naman sila sa akin, pero syempre. . . mahalaga rin maging malandi.
"Saan tayong nightclub? Sa usual?" sabi ni Ashton.
"Ay, 'wag! Pangit do'n! Sa iba tayo tonight. Do'n sa Viking's nightclub tayo," sabi ni Leroy at tinuro ang hindi pa namin napupuntahang nightclub.
"May pogi ba ro'n?" sabi ko sa kaniya dahil baka puro mga adik lang 'yung nando'n.
"Kaya nga natin titingnan!" sabi ni Leroy.
Nag-park si Ashton sa hindi kalayuan sa mismong nightclub na napili ni Leroy. Sa labas pa lang ay marami na ang nagsisigarilyo. Marami ring babaeng putok na putok ang makeup at mukhang ready na ring makakuha ng treasure ngayong gabi.
Papasok pa lang kami ay may nanigaw agad sa amin. "Bawal bakla dito," sabi ng isang lalaki kay Leroy.
Inurong ni Ashton si Leroy sa likuran niya at tiningnan nang mariin 'yong grupo ng mga lalaki. Kusa silang nagtawanan pero nagsialisan din. Mukhang malakas lang trip. Natural sa mga nightclub. Mga mababaho naman 'yong hininga.
"Pogi mo ro'n," sabi ni Leroy kay Ashton.
Mahina akong natawa dahil 'yon palagi ang ginagawa ni Ashton sa amin ni Leroy sa tuwing may mae-encounter kaming gano'n. Maraming beses ng napaaway si Ashton dahil sa amin ni Leroy. Sa tangkad at laki ng katawan niya, para namin talaga siyang literal na bodyguard. Halos magkasing tangkad lang sina Leroy at Ashton. Habang ako ay hanggang tainga lang nila pareho.
Gayunpaman, si Ashton pa rin ang protector naming dalawa ni Leroy. Malandi lang kasi siya pero mas malakas pa akong sumuntok sa kanya. Mas pinaglihi 'yong kaluluwa niya sa kalandian kaysa sa pagiging lalaki.
Or hindi ko pa lang kasi siya nakikita makipag-away.
Pagpasok namin ay mukhang maayos naman kung ikukumpara sa unang bati sa amin kanina sa labas ng club na 'to. Mas maraming babae kaysa lalaki. Mukhang si Ashton lang ang mag-e-enjoy rito. Kung balak lang naming mag-inom, puwede naman dito. Kaso gusto ko sana 'yong may titingin sa aking pogi.
"Parang walang pogi," sabi ko kay Leroy habang naglalakad kami pababa papunta sa bar.
"Pero maganda 'yong dance floor nila. Malawak at maraming chairs!" sabi naman ni Leroy kaya napanguso ako.
"Ano'ng silbi ng dance floor kung wala ka namang mababanggang pogi? Malandi tayo, Leroy. Pinapaalala ko lang sa 'yo," sabi ko kaya mahinang natawa si Ashton na kasabay kong maglakad.
Lumingon sa akin si Leroy. "Alam ko. Titingnan lang naman natin dito! Ang arte naman nito. Main character ka na naman, Zern."
"Baliw, main character talaga 'ko dito. Hindi mo ba alam?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
