Chapter 13

38.9K 1.2K 105
                                        

Chapter 13: A New Day

#DittoDissonanceWP

Daris! Don't forget to vote. Thank you! 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"Pasok ka na?" 

Napatingin ako kay Mishael na nagse-cell phone pa sa kama niya habang ako ay nagsisintas na ng sapatos.

Hindi ko napigilan ang sariling mapatingin sa katawan niyang nakabalandra sa akin. Mabuti na lang, may takip siya banda sa baba kasi mukhang naka-boxers lang siya.

Guwapo talaga 'tong si Mishael at mabait pa. Mas ia-admire ko pa 'yong ganito. Kaysa naman 'yong nasa kabilang room na guwapo nga, bagong presidente naman ng bawat layer ng hell. Tuwing naaalala ko, nabubwisit lang ako.

Nginitian ko si Mishael at umiling. "Hindi, sasali kami sa org ng mga kaibigan ko. Ikaw? Anong oras pasok mo?" sabi ko.

Ngumuso siya at napabuntong-hininga. "Hindi ko pa alam, actually. Hindi pa ako enrolled. Mamaya pa lang ako mag-e-enroll. Inuna kasing bayaran 'yong dorm ko bago 'yong tuition ko, kaya... 'ayun."

"Oh, pero papasok ka pa rin this first day?"

Umiling siya. 

"Hindi, kakatamad. Inaaya nga ako ng mga kaibigan ko, okay lang daw 'yon. Kaso tinatamad naman ako. Mas gusto ko na lang humilata sa kuwarto." He chuckled.

"Kaya nga, eh. Gusto ko rin, pero kailangan kong kumilos. I have to make my parents proud, chariz," sabi ko at napakagat sa ibabang labi dahil kusang lumabas ang kabadingan ko.

Mishael snorted.

"Natatawa talaga ako 'pag nagjo-joke ka nang ganyan.Natatawa ako sa tono ng boses mo. Para kang nanloloko nang sobra," sabiniya at hindi na naman matigil sa kakatawa nang mahina.

"Baka naman gawin mo na akong clown niyan, Mishael. Sumbong kita sa jowa mo, may nagpapasaya sa 'yo bukod sa kanya," sabi ko kaya humalakhak na siya.

Hindi ko rin tuloy mapigilang hindi matawa dahil nakakahawa 'yong tawa niya. Ang dali naman nitong patawanin, hindi pa nga ako nagjo-joke nang todo.

"Oo nga pala, Zern. Dinner mamaya! Gusto mo bang sa labas kumain or pa- deliver na lang tayo dito sa room?" he said.

Bahagya akong napanguso habang nag-iisip. 

"Sa labas na lang. Mas gusto ko outdoor. Ayaw ko rin nang nangangamoy minsan sa room 'yong food," sabi ko at mahinang natawa.

Tumango-tango siya. "Noted, Sir. Saka, inaasar mo ako sa girlfriend ko... baka mamaya magselos din girlfriend mo sa akin dahil ako na 'yong palagi mong pinapatawa," sabi niya at ngumiti na naman na parang natatawa.

Ha ha ha. . . paano ko 'to sasagutin? Puwede ko bang sabihin na wala akong girlfriend dahil parehas kami ng girlfriend niya ng hanap. Kimmy.

"Wala akong girlfriend!" pagde-deny ko nang todo-todo. 

Kasi wala naman talaga. Saka nahihiya akong sabihin sa kanyang hindi ako straight since hindi rin naman ako super out. Gusto ko kung sino na lang makaalam nang kusa. Ina-anxious pa ako minsan kapag aaminin ko.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon