Chapter 57

36.1K 1.3K 1.3K
                                        

Chapter 57: At the Moment of Reality

#DittoDissonanceWP

Daris, I hope you enjoy this chapter! Don't forget to vote!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Kinabukasan, hinatid ako ni Caiden sa Alabang dahil do'n kami magkikita-kita nina Ashton at Leroy papunta sa Enchanted Kingdom.

Nagpaalam at nagpasalamat din ako nang maayos kina Tita at Tito bago umalis.Hindi rin natulog do'n sina Kuya, Mama, at Papa. Umuwi rin sila ng madaling-araw.

Hindi na kasi ako lumabas pagkatapos kong mag-half bath. Nagkuwentuhan kami ni Caiden saglit bago natulog, kaya hindi ko na sila nasabihan na matulog sila ro'n.

Mag-stay lang din daw si Caiden sa bahay nila ngayong Linggo. Mag-i-spend din siya ng time kasama sina Tita. Sinabihan ko rin si Mama na maggagala kami nina Ashton ngayon habang nasa biyahe, kasi baka hanapin niya ako at ayaing magsimba.

Alas-onse ng umaga nang nagkatagpo kami nina Ashton at Leroy. Ang Fortuner ni Ashton ang gagamitin. Nagpa-gas kami saglit at bumili ng makakain para hindi na magkagutuman habang nasa biyahe.

Tumabi ako kay Leroy sa passenger seat habang nagja-jamming kami ng maingay na kanta, dahil baka masiko ko si Ashton sa sobrang likot ko. Para kaming mga baliw na nag-iingay at nagsisigawan sa loob ng kotse habang malakas ding nagtatawanan.

Nang napagod, nanood na kami ni Leroy ng movie hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Hindi naging mainit ang biyahe namin, pero may katagalan. Pagkarating namin do'n, maraming tao kaya natagalan kaming pumila. Ekspress Ride Access ang binili ni Ashton para sa aming tatlo para hindi na kami pipila at marami kaming masakyan.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Inabot kami ng dilim sa Enchanted Kingdom. Tinrynamin ang lahat ng rides pero may 30-minutebreak kapag extreme'yong ride na sinakyan. Baka kasi sumuka na ako dahil sunod-sunod ang pagsakay namin. Pero nag-e-enjoy naman ako at tawa kaminang tawa nina Ashton at Leroy.

Ina-update ko rin si Caiden. Ang landi? Madam? Kimmy. Sinasabihan ko siya ng mga sinasakyan namin pa-minsan-minsan dahil iniiwasan kong tumutok sa phone para makapag-enjoy kaming tatlo. May dala rin kasing camera si Ashton kaya ro'n kami nagpi-picture at may dala ring Instant Camera si Leroy.

Caiden:

Nakahiga na ako. Katatapos lang din namin kumain nina Mama. Nagkuwentuhan kami bago ako umakyat. Natatawa nga ako gustong-gusto pa ring topic ni Mama 'yung pageant.

Zern:

Baka kasi gusto ka talaga niyang sumali don. Pasalamatan mo ko dahil ako ang nag elect sayo don :P

Caiden:

HAHAHAHAHA Pasalamatan mo din ako dahil hindi mo ako maeelect if hindi kita inelect bilang president. :P

Zern:

Matulog kana nga. Iniistorbo mo ang gala namin nina Ashton hays...

Caiden:

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon