Chapter 60: To Live
#DittoDissonanceWP
i just wanted to thank all of you for giving my story a chance. i wrote ditto dissonance last December to create something to distract me from stress and anxiety. It became a huge part of me. so, thank you for joining me up until now. sobra kong na-appreciate kayong lahat na nagbabasa up until now. :(
please do read this chapter very well, so you can understand it clearly as well.
thank you so much guys! enjoy and don't forget to vote.
trigger warning: sensitive words ahead.
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Caiden and I only did it once dahil hinihintay na ako nina Leroy at Ashton sa baba. Sinabi ko nga na bumaba pa siya, kaso inaantok na raw siya. Hindi na nga rin nakapag-half bath at deretso nang nakatulog.
Natutuwa nga ako dahil mas nagiging open kami sa isa't isa tungkol sa mga gusto naming mangyari. Alam naming parehas 'yong consent at hindi kami nag-i-insist if hindi puwede or humindi ang isa sa amin.
I liked that he always respected my decision. Kahit gusto niyang masunod siya, mas sinusunod niya pa rin ang desisyon ko.
Gustong-gusto ko rin 'yong intimacy na nabubuo sa amin tuwing nagkakaroon kami ng connection. Kapag nagdikit na ang mga labi namin, kung ano-ano na ang lumalabas sa mga bibig namin dahil ramdam na ramdam namin ang isa't isa. At ang tanging gusto namin parehas ay mas maramdaman pa ang isa't isa.
That's what intimacy creates. It makes us fond of each other.
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Kinuwento ko kina Leroy at Ashton ang nangyari no'ng isang gabi. Hindi na sila nagulat dahil sobrang halata na si Caiden no'ng mga nakaraang linggo.
Palagi siyang nakadikit sa akin, at palagi niya akong hinahanap. Hindi na rin siguro nakakagulat if napansin na rin ng mga kaibigan ni Caiden. Pero si Caiden na siguro ang bahala ro'n kung sasabihin niya sa kanila.
Na-mention ni Leroy kung paano ako nagustuhan ni Caiden, 'yon ang hindi ko pa alam. Gusto ko rin 'yong itanong.
Hindi ko naman dina-doubt ang nararamdaman ni Caiden sa akin. Gusto ko lang malaman kung paano niya na-realize na gusto na pala niya ako.
Sinabi niya rin kasi na sigurado na siya sa akin... kaya gusto ko ring itanong if paano niya nasabi 'yon. Kung paano siya nag-come up sa gano'ng desisyon.
Hindi gaano nag-react si Ashton, pero naging masaya siya para sa akin. He trusts Caiden's actions and words, because I also do. Ashton reassured me that.
He was not worried about me, because I looked happy and assured of what Caiden and I had, which was true. Never kong na-feel na may kailangan akong patunayan kay Caiden.
First relationship niya rin 'to at kitang-kita ko kung paano niya vina-value 'yong mayroon kami—kung paano niya 'to gustong mag-develop pa sa mas magandang samahan.
He started proposing endearments—which sometimes cringes on me since hindi ako sanay. But I'd also try callinghim differently becausehe was also trying.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romansa𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
