Chapter 3: Hate at First Sight
#DittoDissonanceWP
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Caiden's Point of View
"Bummer," reklamo ko saka napabuntong-hininga. "Bakit naman sa lahat ng puwede kong maging kapitbahay, gano'n pa kalagkit tumingin? Gay people can exist in this world. Pero sana mawala na 'yong mga mapagsamantala."
"Chill, p're." Humalakhak si Titus. "Bakit kasi nag-move ka rito sa building na 'to? Okay ka naman na sana ro'n sa dati mong building. 'Wag mo na lang isipin 'yong nangyari sa 'yo noon. At isa pa, at least hindi mo naman siya roommate," sabi niya sa mababang tono.
"And that's supposed to make me glad? Paano kung katulad din siya no'ng mga bading na nanghipo sa akin noon? Hindi nga lang hipo 'yung ginawa sa akin, e. Paano kung gano'n din siya? Mas malapit pa siya sa akin," sabi ko at bahagyang bumigat ang dibdib dahil sa ayaw kong maalala.
"Ang sensitive mo naman, Caiden! Feeling main character ka naman sa lagay na 'yan. Malay mo naman napatingin lang din sa 'yo pero wala naman siyang pakialam sa 'yo," sabi ni Titus kaya binatukan ko nga.
A strange weight pressed against my chest, leaving me frozen—unsure whether to wince or just let it consume me. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin kay Titus. Bigla lang umiinit ang ulo ko dahil sa pangyayaring 'to.
Wala naman akong problema kung bading siya, ang problema... iba 'yong dating sa akin ng tingin niya. At ang OA man pakinggan, pero naa-anxious ako tuwing iniisip kong marami siyang puwedeng gawin. Hindi ko rin maiwasang hindi maalala 'yong nangyari noon. Nahihirapan ako lalong i-express 'yong nararamdaman ko.
"Are you nuts?" I scowled. "Gano'n na gano'n 'yong tingin sa akin ng mga bading, Titus. At nang hinayaan ko lang sila at wala akong ginawa, saka sila gagawa ng way para mapalapit. Fuck. Ina-anxious ako na ewan..." My jaw tightened as I shook my head, attempting to steady my emotions.
"Parang kanina lang preskong-presko ka, ngayon bigla kang pinagpapawisan. Chill, Caiden! Hindi naman siguro aanuhin no'n. Sabi ko nga, baka napatingin lang. Ang OA mo lang kasi. Feeling mo mauulit agad 'yung nangyari noon," sabi ni Titus kaya mas lalong nagpinting ang tainga ko.
Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya saka pumalatak. What the fuck did he just say? Ang hirap-hirap alisin sa akin 'yong nangyari noon. Paano ko basta na lang makakalimutan kung nati-trigger agad ako tuwing nakakakita ng bading? At kahit magpa-therapy, lalo lang akong nati-trigger. Lalo lang akong nahihirapang mag-cope up dahil nape-pressure akong maging okay agad.
"Alam ko na, p're. Bakit hindi na lang ako mag-inquire kung may room pa bang available? Mayroon pa ba sa inyo? Ina-anxious ako bigla rito sa building na 'to," sabi ko at napakamot sa ulo saka napabuntong-hininga. "'Tang-ina naman. Gusto ko lang sana maging masaya ngayong araw na 'to bago magpasukan, bigla namang may ganitong papasok na eksena."
"Wala na rin sa amin," sabi ni Titus. "Ang OA mo, Caiden. Magpapalipat ka talaga dahil lang may katabi kang bading? Matagal naman na 'yong nangyari sa 'yo noon. At saka, 'wag kang mag-overreact. Hindi naman lahat ng bading pare-parehas. Malay mo may maayos naman." Natawa pa siya.
Nagpapanggap lang siyang nagbibigay ng suggestion, pero ang totoo'y gusto niya lang akong asarin dahil ina-anxious ako ngayon.
Great. Kaya kapag sumabog ako ngayon, siguro kasalanan ko, 'no?
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
